Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jhong damay sa patutsada ni Quiboloy

0 2,675

NI: ARCHIE LIAO

Hindi lang si Vice Ganda ang pinatutsadahan ni Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng kabiguan ng ABS-CBN na ma-renew ang prangkisa nito.

Nang bumoto kasi ang House committee na ibasura ang petisyon ng nasabing network na i-renew ang kanilang franchise, buwelta ang tinaguriang Son of God sa nasabing host ng It’s Showtime.

Ani Pastor Quiboloy, dapat daw na magsaya si Vice sa mga nangyari.

“Nalulungkot ka, Vice? Alalahanin mo, naghamon ka. Hinamon mo ako di ba? Ang saya-saya ninyo noon. Naghahalakhakan kayo. Meron pang isang kasamahan mong lalaki. Pati ngala-ngala niya nakita ko sa katatawa eh,” pagbabalik-tanaw ng pastor. “Ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo, malinis na ang EDSA. Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo… Ngayon umiiyak ka, eh noon humahalakhak ka,” dugtong niya.

Bagamat hindi pinangalanan, ang tinutukoy ni Quiboloy base sa video na na-upload sa ABS-CBN news ay ang co-host ni Vice na si Jhong Hilario.

Matatandaang bago pa man lumala ang problema noon ng ABS-CBN tungkol sa isyu ng prangkisa , naghamon na si Vice sa kanyang programa kay Quiboloy tungkol sa pag-eere ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.