Abante Tonite Interactive

Jhong Hilario, minumura gabi-gabi ng fans. Pinagbantaan pang sasaktan

By
81

HINDI namin alam kung paano nagagawang mapagsabay ni Jhong Hilario ang kanyang showbiz career at pagiging public servant, pero kahanga-hanga kung paano niya ito nagagawa.

Si Jhong ay regular host sa It’s Showtime sa noontime, pagdating sa gabi ay napapanood naman siya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Sa kanyang Facebook at Instagram accounts, makikita mo na regular siyang uma-attend ng session bilang Councilor ng Makati.

Marami ang nakakapansin sa husay na ipinapakita ni Jhong sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Alakdan. Gabi-gabi, sa Twitter pinag-uusapan siya sa kanyang kasamaan bilang isang kontrabida. Minumura siya dahil sa husay niya.

Abante Hiring – IT dep

Ang nakakatawa kay Jhong, kahit minumura siya sa Twitter dahil sa kasamaan niya, pero nagagawa pa niyang sumagot sa mga ito. ‘Tulad na lamang ng tweet na, “Kapag nakita kita Jhong, sasaktan kita!” To which sasagutin niya, “Subukan mo, hindi mo kilala ang kamandag ni Alakdan!

Nawala man si Arjo Atayde bilang most hated kontrabida sa primetime, ipinanganak naman si Jhong na mas masama pa yata bilang Alakdan. Matatandaan na pinag-uusapan noon si Arjo sa nasabing serye bilang Joaquin.

Ngayon, si Jhong naman ang sinasabing pinakamahusay na kontrabida sa Primetime. Kahit napakasama na ng karakter niya, mamamahalin mo pa rin si Jhong dahil alam mo na epektibo siyang aktor at kilalang masayahing tao.

***

Baguhang prod. staff, natutulala kay Lorna
Aljur, pasok sa ‘Asintado’ ni Julia Montes

Nagsimula nang mag-taping si Lorna Tolentino sa bagong teleserye nito sa ABS-CBN, ang Asintado (working title) kung saan ginagampanan niya ang role bilang strategist ng isang head of state. Naniniwala kami na ‘yung ganda ng role ang dahilan kung bakit tinanggap ni Lorna ang nasabing mala Olivia Pope role.

Hangang-hanga kay Lorna ang production staff na nakausap namin. Ang ibang baguhang staff ay nai-starstruck kay Lorna.

“Masaya po siyang tao, magaan po. Tapos ang husay. Ang bait niya sa lahat,” sabi ng kausap namin.

Ang Asintado ang comeback project ni Lorna sa ABS-CBN. Ilang taon ding hindi gumawa ng serye si Lorna sa ABS-CBN.

She did shows for GMA 7 and TV 5. Her last teleserye in ABS-CBN was Minsan Lang Kita Iibigin with Coco Martin, Maja Salvador, Andi Eigenmann, John Estrada at Amy Austria.

Katrabaho ni Lorna sa Asintado sina Julia Montes, Paulo Avelino, JC Santos, Aljur Abrenica, Cherry Pie Picache, Noni Buencamino at Agot Isidro.