Abante Tonite Interactive

Ji Chang Wook dadalaw sa ‘Pinas

264

Excited na ang mga Pinoy fan ni Ji Chang Wook.

By 2020, naka-schedule ang fan meeting nito na inanunsiyo ng kanyang agency, Glorious Entertainment.

Ayon sa agency, “To return the love, Ji Chang Wook Asia Fan Meeting Tour will be held.”

“The fan meet tour will start in January 2020 and will make stops in Taiwan, Singapore, Thailand, Indonesia, Japan and Philippines.”

Kamakailan lang, nag-post ng picture ang mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao nang dalawin nila ang South Korean actor sa filming nito ng drama.

So ngayon pala, ‘di nakapagtatakang ang self-confessed fan na si Jinkee ang isa sa magho-host sa aktor pagdating ng bansa.

Ang drama naman ni Ji Chang Wook ay on to its last two episodes na lang. Kung pagbabasehan ang ratings ng drama, hindi pa masasabing successful ang comeback ng actor from the military since medyo mababa lang ang naitatala nitong ratings.