Abante Tonite Interactive

Ji Chang Wook dawit sa iskandalo

516

Rose Garcia

tonite-annyeong-rose-garciaMabilis na tinanggi ng agency ng South Korean actor na si Ji Chang Wook ang lumabas na balitang diumano’y may close relationship din ang actor sa isang “Madam Lin.”

Si Madam Lin ay isang Taiwanese investor at may 20% shares daw sa Burning Sun. Ilang pictures ni Madam Lin kasama sina Seungri at Ji Chang Wook.

May lumabas din na balita na during Chang Wook’s break from military, diumano’y nagha-hang-out ito sa Burning Sun. Lumabas ang isyu na ito nang talakayin sa SBS investigation program na “Unanswered Questions” ang Burning Sun scandal at dito nga lumabas ang identity ni Madam Lin.

Dahil dito, nagkaroon ng ilang speculation na baka may involvement din ang actor sa scandal na ito sa K-pop world.

Ang actor ay nag-enlist sa military noong August 14, 2017 at sa April 28, 2018 na ito inaasahang lumabas. Hindi maiwasang mag-worry ang mga fan niya dahil hindi nga naman biro na madawit ang pangalan sa scandal na ito, lalo’t magsimula muli sa kanyang showbiz career.

Naging maagap naman ang Glorious Entertainment sa paglilinaw na walang kinalaman ang actor sa anumang scandal na naglalabasan ngayon.
“Hello, this is Glorious Entertainment.

“Our company’s actor Ji Chang Wook has no relation to the individual in the photo that was shown in the broadcast. As a fan, she requested for a photo together and he agreed to it.

This situation is leading to the spread of false rumors, malicious rumors, and sexual harassment towards the company’s actor, ­causing serious damage to the actor’s reputation.

This is causing harm and pain to the actor, as well as his family and fans who are watching the situation.

We ask you to refrain from writing, posting, and spreading speculative rumors about the matter at hand.

“By utilizing the reports we received about false rumors and personally monitoring the internet, we will do our best to protect our actor.
“Lastly, we thank the actor’s fans for always cheering for him and steadily sending him love.”

Dahil sa nilabas na official statement na ito ng Glorious Entertainment, marami ang natuwang fan. Pero, may ilan pa rin na hindi maiwasang mag-isip na baka raw tulad ng mga ibang sangkot sa scandal ngayon na itinanggi rin noong una ng mga agencies nila, pero kalaunan ay lumabas din na may involvement nga.

Wish nila na it’s really not the same case with Chang Wook. Marami na rin ang naghihintay sa muli niyang pagbabalik.