Abante Tonite Interactive

Ji Chang Wook magbabago ng image

255

Walang sinasayang na araw si Ji Chang Wook.

Noong Linggo ay nag-finale episode na ang comeback drama niya na “Melting Me Softly”. Pero heto at may news na agad na nasa final discussion na raw ang agency ng actor for a new drama.

May pagka-genetics themed drama ang planong gawin ni Chang Wook after ng fantasy/romance.

Ang posibleng next drama nito sa tvN pa rin ay ang “LUCA (Last Universal Common Ancestor)”.

Ang “LUCA” ay bagong drama under Kim Hong Sun PD.

Ayon sa insider source, “Ji Chang Wook is trying to show a variety of different images and acting transformations this year. LUCA will be a role for him where he can show off an image of himself he has never seen before.”

Kumpara rin sa regular k-drama na umaabot ng 16 hanggang 20 episodes, ang “LUCA” ay naka-plan lang ng 12 episodes.