Abante Tonite Interactive

Ji Chang Wook nagparetoke ng mukha

437

tonite-annyeong-rose-garciaKasalukuyang naka-enlist sa kanyang mandatory military service ang South Korean actor na si Ji Chang Wook. Pero pinag-uusapan pa rin siya sa ilang Korean entertainment portal lately.

Ang dahilan, ang mga larawan ng actor before and after umano ng plastic surgery nito. Given naman sa South Korea na marami talaga ang nagpapabago ng feature ng mukha nila at dumadaan sa cosmetic surgery.

Although, hindi na­man ito inamin ni Chang Wook na may ipinabago nga siya sa mukha niya, partikular na ang kanyang ilong.

Pero kungpagtatabihin daw talaga ang before and after picture nito, makikita ang kaibahan.

Mas matangos daw ngayon ang ilong ng actor kumpara noon. At positibo namang tinatanggap ng mga fan ni Chang Wook kung nagpa-enhance nga siya ng ilong o kung may ibang parte pa ng mukha ang pinabago.

Ilan sa mga comment na nabasa namin, “He was originally handsome but his surgery came out so well,” “Oh, his nose became so much higher, but he was already handsome before.”

Napansin si Ji Chang Wook sa mga ginawa niyang drama sa telebis­yon tulad ng ‘Empress Ki’, ‘Healer’, ‘Suspicious Partner’ at ang ‘The K2’. Madalas din na sa action siya nalilinya.

Sa Pilipinas, ang ki­lalang fan ni Chang Wook ay ang Misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Kailan lang, nag-post ito ng picture kasama ang South Korean actor during its break from military.

Sa August 14, 2018 ay isang taon na si Chang Wook sa military. Naka-assign siya sa Army’s 5th Artillery Brigade sa Cheorwon, Gangwon Province. From a Platoon leader, Chang Wook was appointed as a Corporal at naka-schedule na ma-discharge sa April 28, 2019.