Abante Tonite Interactive

Ji Chang Wook, sinorpresa ang mga fans habang nasa military service!

2,506

TUWANG-TUWA ang mga fans ng South Korean actor na si Ji Chang Wook dahil sa muli nilang nakita ang actor.

Si Chang Wook kasi ang nasa promotional video ng The Republic of Korea Army bilang suporta sa 2018 Pyeongcgang Winter Olympics. Nag-post ang T.R.K.A. sa YouTube channel na ang nakalagay na title, “A private who filmed a movie when asked him to show his support for the Olympics.”

Maikli lang ang video pero marami ang natuwa sa ginawang slant. Ipinapakita sa video na tinatanong si Chang Wook ng kanyang senior kung ilang days pa raw ito. Tipong hindi ito sigurado kung paano sasagutin ang tanong dahil tila ang nasa isip, kung gaano pa siya katagal sa military service bago niya matapos ang 21 months mandatory military service.

Ang kapwa niya soldier ang nagbigay ng clue na tungkol sa Pyeongchang ang tinatanong ng senior nila. At saka lang sumagot si Chang Wook ng, “There is one week left till the Pyeongchang Winter Olympics. The Republic of Korea Army supports the Pyeongchang Olympics.”

Noong August 14, 2017 lamang ito pumasok sa M.S. at nag-undergo ng basic military training sa Army’s 3rd Infantry Division sa Cheorwon, Gangwon Province. Tumanggap ng award si Chang Wook pagkatapos ng basic training completion niya dahil sa ipinakita niyang performance.

Sa ngayon, ang assignment na ni Chang Wook ay sa Army’s 5th Artillery Brigade sa Cheorwon, Gangwon Province hanggang sa pagtatapos ng military service niya bilang Platoon leader.

Naka-schedule siyang ma-discharge sa May 2019.

Para sa mga hindi nakakakilalang Pinoy kay Ji Chang Wook, ilan sa mga Korean drama niya ay ang Empress Ki, Healer, K2 at Fabricated City. Si Chang Wook din ang pinakapaboritong Korean Idol ng misis ni Manny Pacquaio na si Jinkee Pacquiao kunsaan, nakasama nilang mag-dinner sa South Korea habang naka Christmas break ito from the military service.