Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jillian, Althea, Sofia 40 araw kulong

0 90

NI: BYX ALMACEN

Balik taping na this month ang Kapuso afternoon teleseryeng Prima Donnas.

More than 40 days daw ang itatagal ng lock-in taping para kuhanan ang worth of 16 weeks na episodes ng nasabing serye including ang finale episode nito.

Mahigit isang buwan silang makukulong sa location ng show.

Ang Prima Donnas ang ikatlong teleserye ng GMA na sasabak sa lock-in taping ngayong pandemic. Karamihan sa mga cast member ay di na makakasama sa shoot.

Pero ang mga bida nito na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo na pawang mga minor ay kasado na ang pagbabalik-taping matapos makakuha ng DOLE permit. Isa rin sa tiyak na magbabalik ay ang kontrabida character ni Ms. Aiko Melendez.

Sa kasulukuyan, umeere ang 9-week recap episodes ng hit afternoon teleserye at simula 3rd week ng October ay mapapanood na ang new episodes. Nakatakdang magtapos ang seryeng ito early next year.

Leave A Reply

Your email address will not be published.