Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jimenez pinatutok vs fake news – Comelec exec

0 32

Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na pinalitan lamang bilang tagapagsalita ng poll body si James Jimenez para matutukan nito ang mga fake news sa social media.

Inilahad ito ni Garcia matapos ang aksiyon ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan kung saan ipinalit nitong tagapagsalita ng poll body si Atty. John Rex Laudiangco na director ng Law Department.

Ito’y matapos irekomenda ni Commissioner Rey Bulay na tanggalin sa puwesto si Jimenez bilang tagapagsalita kasunod ng kontrobersiya sa kinanselang presidential at vice presidential debate.

“Siguro ang nasa isip lang ni Chairman, he wants Director James to focus on the information and education ang dami kasing fake news na naglipana na ngayon. Hindi naman puwede na spokesperson ka na nga tapos kakalabanin `yong fake news, disinformation, misinformation that we have right now in social media,” dagdag ni Garcia.

Nanatili naman si Jimenez bilang director ng Education and Information Department kung saan siya nakatalaga mula pa noong 2004. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.