Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jimenez tsinugi sa debate scandal

0 59

Sibak na bilang tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) si James Jimenez kasunod ng kontrobersiya sa kinanselang huling dalawang debate ngayong halalan.

Itinalaga ng Comelec si Law Department Director 3 John Rex Laudiangco bilang acting spokesperson ng poll body.

Pinalitan ni Laudiangco ang matagal nang tagapagsalita na si Jimenez matapos ang inilabas na memorandum ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan.

Inirekomenda ni Commissioner Rey Bulay ang pansamantalang pagtanggal kay Jimenez at sa kanyang deputy na si Frances Arabe mula sa kanilang media coordination.

Sina Jimenez at Arabe ang mga `point person’ ng Comelec sa partnership nito sa Impact Hub Manila, na nagbigay umano ng mga tumalbog na tseke sa Sofitel Hotel na pagdarausan sana ng huling dalawang debate.

SM food to go Banner Ad

Sinasabing nasa P14 milyon ang utang nito sa Sofitel kaya’t nakansela ang debate.

Si Jimenez ang nangako sa Sofitel na babayaran ng Impact Hub Manila ang obligasyon nito at ang Comelec diumano ang hahanap ng mapagkukunan ng pondo sa pamamagitan ng P15.3 milyong purchase request at notice of award sa Impact Hub Manila.

Hinawakan ni Jimenez ang puwesto bilang Comelec spokesperson sa loob ng 15 taon.

Mananatili naman siyang pinuno ng Education and Information Department. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.