Abante Tonite Interactive

Jimin ng BTS binantaang papatayin

By
2,402

May panibago na namang death threat na natanggap ang isa sa miyembro ng sikat na South Korean boy group na BTS. Pangatlong death threat na kay Jimin ang natanggap niya.

Ang una ay bago ang dalawang concert nila sa America, sa Anaheim noong April 2017. Sinundan ito ng panibagong death threat sa Fort Worth noong May 2018.

Naging very strict ang security sa parehong concerts dahil nga sa death threat na natatanggap ni BTS Jimin.

Kaugnay ng kanilang ‘Love Yourself’ world tour, heto’t meron na namang Instagram user na nag-post ng larawan ng isang baril kasabay ang statement na may plano siyang barilin si Jimin sa Los Angeles concert na magaganap sa September 5.

Sa panayam ng newsen, inamin ng agency ng BTS na Big Hit Entertainment na aware na sila sa balitang ito at gumagawa na ng security measures para sa safety ng mga miyembro at gayundin sa mga manonood ng concert.

Ayon sa Big Hit, “Regardless of the authenticity­ of the threats, we plan to do our utmost and take all necessary measures in responding to actions that may threaten the safety of the members.”

“In the past as well, we made thorough preparations, and the matter was resolved without any actual incident. We plan to prepare while keeping a close eye on the situation.”

Nakakapagtaka lang na sa pitong miyembro ng BTS, bakit si Jimin ang tila palaging pinupuntirya ng mga death threat?

Nakatanggap na rin daw ng death threat noon si RM o Namjoon noong mag-concert sila sa New York at masasabing mas una pa itong nakaranas ng pagbabanta, pero si Jimin nga lang ay multiple death threat na ang natatanggap.

Sa pagri-research namin, ang isa sa itinuturong dahilan kung bakit patuloy na nakatatanggap ng death threat si Jimin ay isa raw kasi ito among the members na may libo-libong anti-fans.

Sabi sa isang comment ng netizen, “Many people hold a grudge against him and the reason is still unknown.”