Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jimmy ipoposas ng Celtics

0 63

Uuwi na lang ng Miami, pinahabulan pa ng NBA ang Heat ng $25K dahil sa paglabag sa bench decorum sa Game 6 ng Eastern Conference sa TD Garden sa Boston noong Biyernes.

“(The players) stood for an extended period in Miami’s bench are, stood away from the team’s bench and were on, encroaching upon or entering the playing court during live game action,” bahagi ng statement ng liga.

Nagliyab ng 47 points si Jimmy Butler at tinalo ng Heat ang Celtics 111-103 para ibuhol ang series sa tigatlong laro.

Nakapuwersa ng Game 7 ang Heat, i-ho-host ang deciding game ngayong araw, tiyak na bantay sarado si Butler sa Celtics

Iniinda pa ang nananakit na tuhod pero naglista pa si Butler ng 9 rebounds, 8 assists at 4 steals. Mainam din ang kontribusyon ng galing injury na si Kyle Lowry na naka-18 pts., 10 asts.

Kumpiyansa sina Jayson Tatum, Jaylen Brown at Marcus Smart na dadayo ng Miami dahil nanalo ang Boston sa road game noong Game 5. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.