Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Jimmy Neutron’ bully ng Lakers kay Duncan

0 106

Kasama ang Lakers sa mga umaaray at umaangal kapag may nababalitaan silang nambu-bully.

Pero sa katatapos na 74th NBA 2020 Finals, ang Los Angeles bench ang nang-trash talk kay Miami guard/forward Duncan Robinson.

Kapag iba ang nambu-bully ay foul, pero kung sila ay let-go?

Hinaharana ng Los Angeles reserves ang player ng “Jimmy Neutron” para mainis.

Ikinukumpara ang Heat sharpshooter sa boy genius na bida sa animated series.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“During the Finals, the Lakers bench was yelling ‘Jimmy Neutron’ at me,” pagbubunyag ng 26-year-old, two-year pro veteran sa Fox Sports podcast nitong Miyerkoles.

Hindi naman yata towering o nakatikwas nang napakataas ang buhok ni Duncan?

Maliban du’n, si Jimmy Neutron ang pinakamaliit sa kanyang klase. Si Duncan ay legit 6-foot-7.

Natatawa na lang si Duncan, hindi nagpaapekto sa kantiyaw.

Sinagot niya ang pambu-bully ng pitong 3-pointers sa panalo ng Heat sa Game 5.

‘Yun lang, sinikwat ng Lakers ang titulo sa anim na laro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.