Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jimuel, Arabella may ‘baby’ na

0 757

NI: ARCHIE LIAO

Tila balak kabugin nina Jimuel Pacquiao at ng girlfriend niyang si Arabella del Rosario ang mga kilalang loveteam sa bansa.

Hindi pa man sila nagtatambal sa isang proyekto o maituturing na loveteam, may ‘baby’ na agad ang dalawa.

Ang tinutukoy kong ‘baby’ ay ang bully na alaga nila.

Ani Arabella, ito raw ay regalo sa kanya ng kanyang ninong from Bulacan na inaalagaan nila.

Ang pangalan daw ng pet dog nila ay AJ na kuha sa pangalan nila ni Jimuel.

Mas clingy daw ito sa kanya dahil may mga alaga ring dogs sa bahay nila si Jimuel.

Dahil parehong animal lovers, ito raw ang dahilan kaya nagkakasundo sila ng boyfie.

Pareho rin daw sila ni Jimuel na God-centered ang buhay.

Speaking of Jimuel,thankful daw siya sa pagkakaroon ng mabait at supportive na boyfriend na hindi siya binibigyan ng rason para magselos sa ibang babae.

Sa zoomcon ng Kumita at Gumanda sa Orabella kamakailan,sinabi ng young actress na gusto rin niyang magnegosyo tulad ni Gladys na isang successful mompreneur.

Para sa kanya, magandang panimula rito ang kanyang exposure bilang brand ambassador ng Orabella products.

Napalaki rin daw nang tiwala niya sa mga produkto ng kumpanya, dahil nakita raw niya mismo ang transformation niya sa loob lamang ng isang buwan.

Mas naging attractive daw siya kay Jimuel at ma-boost daw ang kanyang confidence sa sarili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.