Jimuel ilusyunado kina Kathryn, Liza, Nadine

1,210

Hindi nakaligtas sa pamba-bash ng netizens ang panganay na anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel.

Ito ay may kaugnayan sa ipinost niyang video nang tanggapin niya ang “jojowain o trotropahin” challenge.

Tatlo sa napili niyang jojowain ay sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Nadine Lustre.

Wala namang nakikita ang ilan sa mga napili ni Jimuel dahil humahanga lang ito sa beauty ng tatlong nabanggit na celebrity.

>

Ang hindi lang ma-take ng kate-katerang netizens ay nang i-tag umano nito ang tatlong nabanggit sa mga type niyang dyowain.

Dahil dito, hindi napigilang mag-react ng ilan sa anak ng Pambansang Kamao na feeling na “GGS” o guwapong-guwapo sa sarili.

May mga na-turn off din dahil ilusyunado umano nito at papansin.

Si Jimuel ay dating naging karelasyon ng young actress na si Heaven Peralejo na namana ang hilig sa boxing sa kanyang dad na si Pacman. (Archie Liao)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...