Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jimuel pinalitan na si Heaven

0 135

NI: ARCHIE LIAO

Trending online ang anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel.

Nag-post kasi siya ng photos niya kasama ang co-Star Magic artist na si Arabella del Rosario na may caption ng pagbating “hi @arabelladelro”

Nag-reply naman si Arabella sa litrato nilang dalawa na : “Hi @Emmanuelpacjr”

Sa viral picture nila ay makikitang nagmamaneho ng kotse si Jimuel habang hawak nito ang kamay ng young actress.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sey ng netizen, bagay at may chemistry ang dalawa.

Hirit naman ng ibang netizen, matinik daw pala sa babae ang anak ng Pambansang Kamao.

Pinalitan na rin daw nito at naka-move on na sa hiwalayan nila ang ex na si Heaven Peralejo.

Ang tanong lang ng ilan: aprub daw kaya si Arabella sa mag-asawang Jinky at Manny?

Matatandaang naging kontrobersyal noon ang hiwalayan nina Jimuel at Heaven bagamat civil na sila ngayon sa isa’t-isa.

Nagkaroon din ng isyu si Heaven nang maakusahan itong humihingi umano ng tulong sa senador.

Leave A Reply

Your email address will not be published.