Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jimuel ‘tinik’ kina Seth, Kyle

0 149

Bagong addition sa Gold Squad si Jimuel Pacquiao, ang simpatikong anak nina Pacman at Jinkee Pacquiao.

Sa pagpasok niya sa Gold Squad, inaasahang magiging banta siya sa kasikatan nina Seth Fedelin at Kyle Echarri. Hindi kaya maging tinik si Jimuel sa magandang career ng dalawa?

Sa new batch ng nasabing grupo, kasama niya sina Renshi de Guzman, KD Estrada, Jimuel Pacquiao, Nio Tria, Raven Rigor, at Lance Carr.

Join naman kina Francine Diaz at Andrea Brillantes ang bagong members na sina

Alyanna Angeles, Sam Cruz, Anji Salvacion, Danica Ontengco, Margaux Montana at Angelica Lao.

Bago pumasok sa pag-aartista, nagworkshop si Jimuel sa Star Magic.

Tulad ng kanyang ama, hilig din ng binata ang boxing.

Magaling din mag-saxophone si Jimuel.

Naging kontrobersyal noon si Jimuel pagkatapos ng hiwalayan nila ng Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na napabalita noong humingi ng tulong pinansyal sa Pambansang Kamao.

Kalaunan, naabswelto si Heaven nang ipagtanggol siya nina Jimuel at Jinkee at pabulaanan ang nasabing balita.

Leave A Reply

Your email address will not be published.