Abante Tonite Interactive

Jimuel umiskor ng 2nd round KO

395

Isa na namang panalo para sa nagnanais sumunod sa yapak ng kanyang tatay na si eight-division champion Manny Pacquiao.

Kahapon, nagpasiklab ang panganay ni Senator Manny na si Jimuel nang pabagsakin sa second round ang kalabang si Miguel Egan sa isang semi-amateur fight sa Quezon City, ayon sa ulat ni ABS-CBN sports reporter Dyan Castillejo.

Tila kinopya ang estilo ng kanyang ama, nagpakawala ng 1-2 combo ang mas batang Pacquiao upang pagulungin sa lona si Egan.

Una nang lumaban noong Pebrero si Jimuel kontra kaklaseng si Lucas Carson na pinabagsak din niya via second round knockout.

Nu’ng una ay hindi sang-ayon si Manny sa nakakahiligan ng kanyang anak subalit nang tumagal ay ibinigay na nito ang basbas sa panganay.

Pinakahuli ang video kamakailan na pinost ni Jinkee Pacquiao kung saan makikitang tinuturuan ng mga pinter ni Manny si Jimuel. (Fergus Josue, Jr.)