Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinggoy, Alfred, Joel inisnab ng MMFF award

0 201

RODEL FERNANDO: Nilabas ang ang nominees ng Metro Manila Film Festival 2020. Marami ang na-shock sa listahan. Ligwak sa Best Picture ang Isa Pang Bahaghari, Coming Home at Suarez… The Healing Priest. Maging ang mga direktor ng mga naturang pelikula ay inisnab din. Nakakaloka at etsapuwera nila ang isang Joel Lamangan! Anong kalapastanganan ito? Hindi pangit ang pelikula n’ya, no? Pulido pagkakadirek niya sa movie.

Unfair sa ibang entries ang maagang announcement ng MMFF nominees. Mismong sila ibinagsak na agad ibang pelikula! Hindi kaya naisip nila yun? May epekto sa tao ang announcement na ‘yan. Siyempre, uunahin nilang i-purchase ang top 5 movies na na-nominate bago pansinin ang iba. Imbes na suportahan ang mga pelikulang kalahok ay ganyan ang nangyari.

Nanganganay pa naman ang online streaming. Dapat magtulungan para masaya ang lahat.

Nagpapapansin na naman ba ang MMFF?Gusto ba nila umingay dahil sa totoo lang wala kaingay-ingay ang pestibal na ito? Puwede namang dagdagan ang nominees. Andun na tayo sa may rules. Pero sa panahon ngayon na iba ang sitwasyon ay dapat may consideration sila .

Ang hirap magbenta ng tiket tapos makakasakit pa sila ng damdamin. Sa ginawa nila ay mawawalan ng gana ang mga ibang pelikula sa pagpupusige nilang mag-promote at bumili ng tiket.

MILDRED BACUD: Agree ako sa pinupunto mo ka-Cuatros na Rodel.Kahit pa sabihin nilang may batayan ang pagpili nila, mahirap pa ring arukin na wala sa mahalagang nominasyon ang pelikulang inaasahang hahakot ng awards. Paglabas pa nga lang ng nominasyon ng mga kalahok sa MMFF ay marami na ang nag-predict na tiyak ng kasama sa Best Picture at Best Director ang pelikulang ‘Isa Pang Bahaghari’.

Correct me if I’m wrong mga ka-Cuatros hindi ba’t dati hindi naman nagtitipid sa mga nominees at ang announcement ay hindi ganito kaaga.

Kung sa bagay lagi namang may isyu sa MMFF. Ilang acting awards na rin ang nakuwestyon tulad ng pagkapanalo dati ng isang aktres sa supporting role gayong wala namang ginawa sa pelikula.

SM food to go Banner Ad

And yes, first time na online streaming ang MMFF.Hindi nga natin alam ang magiging resulta nito sa takilya.Mahal pa rin kasi ang ticket na 250 pesos.Halos hindi nagkakalayo sa ticket sa sinehan although mas maraming pamilya ang makakapanood sa isang view.

ROMMEL PLACENTE: Actually naloka nga ako nang malaman kong hindi pasok for Best Picture category ang mga naturang pelikula.

Nakapasok sila sa top 10 official entries sa taunang MMFF, ibig sabihin ay maganda ang kanilang pelikula. Kumbaga, deserving ma- nominate for Best Picture. Hindi kaya sampal ito sa bumubuo ng screening committee ng MMFF dahil ang mga pumasa sa kanilang panlasa ay hindi naman pasok sa panlasa ng mga hurado?

Dati,lahat ng pelikulang napili sa MMFF ay nominado for Best Picture.

PELIKULA NI NORA INALAT

ROLDAN CASTRO: Napanood ko na ang “Isa Pang bahaghari” kaya nagulat ako na hindi man lang nakasali sa nominasyon. Isa ito sa matinong MMFF entry? Ano’ng taste meron ang mga hurado?

Kawawa naman ang pelikula ni Nora Aunor dahil last year pa ito at dahil naligwak. Tapos, nu’ng MMFF Summer nakasali siya pero naudlot dahil inabot ng lockdown. Ngayon naman wala sa nominasyon ng Best Picture kahit may kalidad ang dinirek ni Joel Lamangan.

Hindi ko naman masasabing pinag-iinitan ito dahil may temang kabadingan .Nominado kasi ang BL movie na “The Boy Foretold by the Stars” na bago ang atake

Napansin din namin sa Best actor na inisnab din ng mga jury sina Alfred Vargas (Tagpuan) at Jinggoy Estrada (Coming Home). Apat lang ang pinakamahusay sa kanila na sina John Arcilla, “Suarez: The Healing Priest”, Adrian Lindayag, “The Boy Foretold by the Stars,”Phillip Salvador, “Isa Pang Bahaghari” at Paulo Avelino.Anyare?hindi man lang ginawang lima. Ano ang gustong patunayan ng mga huradong ito? Nagpapaka-prestige?Nagtatanong lang po.

Leave A Reply

Your email address will not be published.