Abante Tonite Interactive

Jinggoy may alas laban kay Drilon

By
2,572

May alam si dating senador Jinggoy Estrada laban kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ng Liberal Party (LP).

Sinabi ni Estrada na kaibigan ni Drilon si Janet Lim Napoles, ang negosyanteng kinasuhan ng gobyerno sa multi-bilyong pisong pork barrel scam.

Ayon kay Estrada, palaging dumadalo si Drilon kapag may party sa opisina at ibang venue si Napoles.

“Nauuna pa nga iyan sa kainan. Kami nakapila pa lang, siya nakaupo na at panay na ang kain,”diin pa ng dating senador.

Aniya, may malaking papel din umano sa ugnayan ni Drilon kay Napoles si dating Agrarian Reform secretary Rene Villa.

“Sinasabi niyang (Drilon) hindi niya kilala si Napoles, hindi totoo iyun,”sambit ni Jinggoy.

Noong Enero ay ininterbyu ng broadcaster na si Erwin Tulfo si Napoles kung saan binanggit ng huli na binigyan niya ng P5 milyon si Drilon bilang donasyon noong 2010 elections.

“Kilala niya (Drilon) po ako. At sa katunayan po nagbigay po ako ng donations nung election, nung tumakbo po siya nung 2010 elections,” pagsisiwalat ni Napoles kay Tulfo.

Mariin naman itong itinanggi ni Drilon at mapapatunayan niya ito sa isinumite nilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Comelec.

“We will not further comment on such obviously fake news intended to harass the opposition,”saad pa ni Drilon noong nakaraang buwan.