Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinggoy, Robin, Raffy, Joed magsasabong sa Senado

0 161

Maraming showbiz personality ang naghain ng kandidatura para maging Senador.

Ilan sa magsasabong sa Halalan 2022 ay ang dating Senator Jinggoy Estrada,Robin Padilla, Joed Serrano at Raffy Tulfo.

Hindi lang showbiz ang nanalaytay sa dugo ni Sen. Jinggoy Estrada kundi pati na rin sa politika.

Hirit ni Jinggoy hindi pa siya magreretiro sa public service lalo na kung mabigyan siya ng pagkakataong muling magsilbi sa ating mga kababayan.

“Buong puso kong inihahayag ang aking intensyong makibahagi sa malinis na halalan upang maging senador muli,” bulalas niya.

Handa na siyang tumulong sa pagtugon sa mga pangunahing sakit at hamon na kinakaharap ng bansa sa ilalim ng bagong normal.”

Gusto niyang palakasin ang mga kabataan, makabagong sektor ng agrikultura, at matatag na digital economy, proteksyon sa kapaligiran, at mataas na antas at kalidad ng edukasyon.

Nanggulat naman ang actor-mega producer na si Joed Serrano na tatakbong Senador.Ipaglalaban naman niya at gagawa ng batas para sa karapatan ng Beki Nation. Gusto rin niyang labanan ang diskriminasyon.

Aliw pero malalim ang kanyang talumpati.

“Nandito po ako para bigyan ng pansin, ng halaga, ng karapatan at isulong ang equality ng mga kauri ko. Tama po ang narinig ninyo… KAURI ko ang sandatahang kabaklaan,” deklara niya sa kanyang speech.

“Pasensiya po, kasi, mukhang nakalimutan niyo kami. Walang plano, walang puwang, wala man lang advocacy sa aming mga bakla.

“Pero minsan pong narinig ko kung totoo man, na may nagsabing… masahol daw ang mga bakla sa hayop .Pasensiya po, pero hindi po totoo iyan. Dahil ang mga hayop, pinapakain. Ang mga bakla ang nagbibigay ng pagkain.

“Sabi nga po nila, kami ay mga ‘taga.’ Tagabayad ng motor na hinihila! Tagabili ng gatas sa mga dyowang binuntis nila! Tagabayad ng kuryente! Taga-enrol! Tagabayad ng mga renta ng bahay na hindi namin kami ang nakatira!

“Tapos, ano? Kukutyain kami. Idi-discriminate. Ikakahiya. Hindi maipagmalaki. Ano bang problema niyo sa mga bakla?

“Para sa akin, ang bakla, ang ibig sabihin—bakla ang kailangan.”

Gusto rin busisiin ni Joed ang mataas na bayad sa kuryente, tubig, at minimum wage pag nanalo siya.

Dugtong pa niya: “Nanawagan po ako sa lahat ng kabaklaan. Mga baklang Noranians, magsilabasan kayo, maniwala kayo, may himala! Sa mga baklang Vilmanians, tayo’y mag-Sister Stella L, lumaban ang mga bakla!At ang mga baklang Sharonians, alam ko, darating yung panahon, masasambit nating… bukas, luluhod ang mga tala at makikinig sa atin, sa ating mga bakla.

“And, of course, ang mga Boy Abunda at mga ponies ni Vice Ganda, mga bakla, magsibunyi kayo at sabihin ninyo…’Fantastic ka, bakla! Fantastic ka!’”

Si Joed ay produkto ng ‘That’s Entertainment’ at kapapanalo lang ng ‘Darling of the Press Award’ sa nakaraang 36th PMPC Star Awards for Movies.

Bukod kay Joed, nakasabay din niya ang action star na si Robin Padilla na naghain ng certificate of candidacy (COC). Nagkita pa sila sa Sofitel Hotel kaya may photo silang magkasama.

Kung independent si Joed, si Robin naman ay kasama sa partido ng PDP-Laban. Open naman si Joed kung may mag-alok sa kanya na maging guest candidate ng mga partido.

Ang sikat na broadcaster at social media personality na si Raffy Tulfo ay handa na sa laban niya sa Senado. Halos lahat ay kinukuha siyang candidate ng mga partido pero napagdesisyunan niyang maging independent.

Sey ni Idol Sen gusto mas lalawak ang pagtulong niya sa mga manggagawa pag gumawa siya ng batas.

Kadalasan sa mga nagrereklamo at nagsusumbong sa kanya ay kinukupitan ng kanilang amo ang mga manggagawa, hindi binibigay ang tamang pasahod, overtime pay, 13th month pay at ibang benepisyo. Ang nakakalungkot pa raw, may kasamang mura at may kasama pang pananakit na inaabot.

“Now ano ang ginagawa ko, dadalhin ko sila sa DOLE, pagdating sa DOLE kakausapin ng arbiter ‘yung amo and employees, pag-aayusin sila at dahil nandiyan kami, nagkakaayos,” sambit niya

Pero pare-pareho na lang daw na ganoon ang problema na sinusumbong sa kanya.Ibang employees lang daw at ibang employer.

“So I told myself, it’s about time I have to break this cycle na nakaka-stress po at nade-depress na po ako dahil nakikita kong wala na yatang katapusan. And how would I break that cycle? Kasi po bilang isang private citizen, mayroon pong limitasyon ang tulong na maibibigay ko, alam n’yo naman siguro iyan. To solve a problem, a perennial problem in the government, it has to be somebody from the government to solve it. So that means, I have to be in the government to solve a problem inside the government and I cannot do that if I’m a private citizen. So, therefore sinabi ko sa sarili ko, forget about itong ginagawa ko araw-araw na nakakasuka na dahil paulit-ulit na lang itong makukulit na employer, I have to do something dahil sawa na ako.

“Kumbaga sa sakit, yung band aid solution. Bakit ko bibigyan ng band aid solution itong mga manggagawa, bakit hindi na lang major surgery? Iyong major surgery na iyon, tutumbukin ko ang pinaka-root ng problema at aayusin. And how can I do that, to pass legislation, para once and for all ay ma-address na po ‘yung mga problema ng maliliit, mahihina… mga walang boses sa lipunan na mga kababayan natin,” sambit pa niya.

Pag nanalo siya, hihiramin niya ang slogan ng dating Pangulong Ramon Magsaysay na: ‘He who has less in life, should have more in laws.’

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.