Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinggoy suportado ng pamilya

0 95

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi lang showbiz ang nanalaytay sa dugo ni Jinggoy Estrada kundi pati na rin sa politika. Muli siyang tatakbo sa pagkasenador.

Suportado naman ito ng pamilya niya dahil kasama niya ang kanyang misis na si Precy Ejercito at ang anak na si Janella Estrada.

Hirit ni Jinggoy hindi pa siya magreretiro sa public service lalo na kung mabigyan siya ng pagkakataong muling magsilbi sa ating mga kababayan.

Huling napanood si Jinggoy sa MMFF entry na

“Coming Home”. Tumanggap siya ng papuri sa kanyang acting kaya inspirado rin siyang makagawa pa ng mga quality films. Posibleng gawin niya ito pag magbukas na ang mga sinehan.

Hindi na mabilang ang mga karangalan nyang natanggap bilang isang lingkod bayan at maging bilang isang mahusay na actor.

At noong Setyembre 29, 2021, naghain siya ng kanyang kandidatura .

“Buong puso kong inihahayag ang aking intensyong makibahagi sa malinis na halalan upang maging senador muli,” bulalas niya.

Handa na siyang tumulong sa pagtugon sa mga pangunahing sakit at hamon na kinakaharap ng bansa sa ilalim ng bagong normal.”

Gusto niyang palakasin ang mga kabataan, makabagong sektor ng agrikultura, at matatag na digital economy, proteksyon sa kapaligiran, at mataas na antas at kalidad ng edukasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.