Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinkee grabe magalit kesa kay Pacquiao

0 149

NI: ARCHIE LIAO
Pagbubunyag ni Jimuel Pacquiao panganay nina Manny at Jinkee, bilang magulang, mas cool daw ang Pambansang Kamao kumpara sa misis nito.

Para raw barkada lang ang trato nito sa kanilang magkakapatid pero hindi raw naman ito nagkukulang sa pangaral sa kanila.

Katunayan, mas istrikto pa raw nga si Jinkee pagdating sa pagdisiplina sa kanilang magkakapatid.

“Actually siya pa yung laid back lang, relax lang siya. ‘Yung mom ko po yung grabe magalit,” ani Jimuel.

SM food to go Banner Ad

Dugtong pa niya, “’Yung strict napunta po sa mom ko, so siya po ‘yung laid back lang yung parang hinahayaan niya lang po kami. Pero ‘pag may nakikita na po siyang mali, pinagsasabihan niya lang kami.”

Hirit pa niya, nauunawaan daw naman niya ang pagiging istrikta ni Jinkee dahil ayaw nitong mapariwara sila.

“Yung mom ko po talaga ‘yung ano parang enforcer, siya po ‘yung kailangang magalit,” pagbabahagi niya.

“She can be strict and she is also parang super loving, parang ramdam na ramdam na gusto niya maingat kami palagi, we’re always safe. Pag galit po siya, nagbi-Bisaya po siya sa’kin,” pahabol niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.