Abante Tonite Interactive

Jinkee gusto nang magretiro si Manny Ni ViniaVivar

420

Kasama ni Jimuel Pacquiao sa BNY Jeans media launch ang inang si Jinkee na hindi maiwasang matanong din about Manny at siyempre, sa anak din nila.

As we all know ay nakatakdang lumaban na naman si Pacman ngayong Hulyo kay WBA welterweight champion Keith Thurman. Panay-panay na naman daw ang training ng mister ngayon at kahapon ay nagtungo na ito sa US para ipagpatuloy ang training at susunod na lang daw sila sa July 5.

Mas kabado raw siya sa laban ngayon ni Pacman dahil 30 years old lang si Thurman, 10 years younger sa kanyang asawa, and undefeated pa raw ito.

Kung siya ang tatanungin ay ayaw na raw niya talagang lumaban pa ang mister. Simula raw nang matalo ito sa laban kay Juan Manuel Marquez noong 2012 na na-knockout ang asawa, ayaw na raw niya talagang magboksing pa ito. At ganundin ang gusto ng buong pamilya. Talagang si Manny lang daw ang may gusto.

“Siya naman ang nakikipag-usap. Gusto talaga ng katawan niya. Parang hinahanap-hanap pa ng katawan niya.”

Wala bang nababangit si Pacman kung kelan niya gustong magretiro?
“Sana si Mayweather sana ‘yun, kung lumaban. After Mayweather, du’n na siya magre-retire,” ani Jinkee.

Matatandaang noong 2015 ay naglaban sina Pacman at Floyd Mayweather, Jr. kung saan ay matatandaang natalo ang ating Pambansang Kamao. Kaya naman hanggang ngayon ay naghahamon ng rematch ang ating boxing champ at hindi pa alam kung may pag-asa ba itong matuloy pa or hindi na.

Kung sakaling hindi na raw magaganap ang Pacman-Mayweather rematch, sana raw ay ito nang upcoming fight ng mister sa July ang huling laban na nito.

“Siguro, ito na lang ang last one. Siguro lang,” natatawa niyang sabi.

“Kasi pagkatapos nito, baka mag-iba na naman,” sambit pa niya.

Natanong naman si Jinkee kung si Jimuel na ba ang susunod sa yapak ng kanyang ama, she replied, “Parang kuntento naman siya na sa Philippines lang, parang Philippine team, masali lang siya. Hindi na siya nag-i-aim ng mga professional division talaga. Kasi sabi niya, ‘nag-iisa lang si daddy diyan, parang wala nang makakapantay pa.’ Kasi siya, nag-aaral pa siya, eh.

“Si Manny kasi, 12 years old, nag-start na siya ng boxing. Eh siya (Jimuel), 18 na. Eh gusto ko mag-aral siya.”

Hindi rin niya gustong pumasok sa showbiz ang panganay na anak dahil nga gusto niyang makatapos muna ito since papasok pa lang ito sa kolehiyo.
Pero pumayag at tinanggap daw niya ang endorsement for BNY Jeans para sa anak dahil alam niyang mag-i-enjoy ito.

***

Suntok ni Pacman ‘di natikman ng anak

Idol talaga ni Jimuel Pacquiao ang kanyang amang si People’s Champ at Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Kahit mahirap maging boksingero, ito pa rin ang napili niyang maging karera.
Sa ngayon ay nakaka-dalawang laban na si Jimuel sa amateur division this year at parehong panalo ito considering na ilang months pa lang siyang nagti-training.
Hindi lang sa pagiging boksingero sinusundan ni Jimuel ang kanyang ama kundi sa pagiging endorser din and who knows, later on ay sa pagiging artista rin.
Kamakailan ay pumirma ng bagong endorsement deal si Jimuel, this time ay sa BNY Jeans Company naman kung saan ay endorser din ang girlfriend niyang si Heaven Peralejo.
Pero ani Jimuel, ang pagiging artista sa ngayon ay wala pa sa kanyang plano. Talaga raw sa boxing siya ngayon naka-focus at bukod dito ay nag-aaral din siya.
Actually, ayon kay Jimuel ay marami na raw offers sa kanya sa showbiz at ang mommy niyang si Jinkee Pacquiao ang kinakausap.
“Pero sa ngayon po kasi,” sey ni Jimuel nang makausap namin sa kanyang media launch for BNY Jeans few days ago, “wala po talaga akong plano, kasi dahil din po sa time. Kasi, ‘yung training ko, masyado na po siyang time consuming.”
Pero hindi naman daw niya sinasara ang kanyang pinto sa pag-aartista in the future. Kung kaya naman daw ng oras niya, baka raw i-consider niya.
When asked kung bakit pagiging boksingero ang gusto niya kahit nakikita na niya sa kanyang ama ang hirap ng karerang ito, ani Jimuel ay nag-i-enjoy siya sa boxing.
“It’s the sports lang itself. Kasi, it’s actually fun for me and it helps me just to be active all the time,” aniya.
Aminado naman siyang natatakot siya for his father sa tuwing may laban ito pero alam naman daw niyang sobrang preparado and trained din ng kanyang ama sa tuwing sumasabak ito sa laban.
Pero wala naman daw siyang planong pantayan o lagpasan ang kanyang ama dahil alam niyang hindi raw niya ito magagawa. Aminado siyang may pressure din on his part dahil hindi maiwasang ikumpara siya sa galing ng daddy niya.
“Hindi ko naman po sinusubukan siyang lagpasan or abutan. I’m just trying to make my own story,” aniya.
Biniro nga siya kung natikman na ba niya ang suntok ng kanyang ama at natatawa niyang sabi ay hindi pa raw. Pero gusto raw niyang hamunin ito ng sparring.
“Hindi naman po sa gusto ko siyang makalaban dahil siyempre, professional na siya, ‘yung sparring lang,” sey niya.
Basta ang payo lang sa kanya ng kanyang ama ay pagbutihan ang pagti-training and work hard dahil hindi birong propesyon ang pagiging boxer.
“Na dapat hindi raw po ako magiging tamad sa training kasi dangerous sport po talaga, dapat always be ready, always be prepared.”
Natanong din si Jimuel sa kanyang opinyon tungkol sa pinagdedebatehan ngayon kung dapat na bang magretiro ang kanyang ama sa boxing at ayon sa 18-anyos na binata, okay lang sa kanya kung sakaling magdesisyon ang daddy niya na mag-retire.
“Actually, me, personally rin, kasi the sports is scary nga and he’s getting older, it would be okay for me rin if he would retire, but for me, it’s his choice, so I support him kahit ano ang desisyon niya.”

***

Jimuel unang dyowa si Heaven

At 18, si Heaven ang first girlfriend ni Jimuel at ngayon lang rin daw siya nanligaw sa isang babae nang ganito katindi na pati grandparents nito ay kinausap pa niya.
“First time ko po na manligaw na super-formal po talaga. Like kinausap ko po ‘yung mommy niya, ‘yung daddy niya, saka ‘yung mga grandparents niya rin sa both sides. Like ‘yung whole family po niya, nakilala ko,” aniya.
Feeling ni Jimuel ay destiny niya si Heaven dahil nagsimula sila sa pagiging friends.
“Like hindi po kami naghanap, nagkita lang po kami, tapos naging close kami. At first po, naging friends kami before ako nanligaw.”
Siyempre, kabado rin si Heaven sa tuwing lumalaban siya tulad din ng pagkakaba ng kanyang ina pero suportado naman daw nito ang kanyang napiling career.
“She’s like my mom, everytime na sinasabi ko na may laban ako, kinakabahan din talaga siya.”
Pero hindi naman daw siya sinasabihan ni Heaven na tumigil na at alam niyang hindi raw ito gagawin sa kanya ng girlfriend.
“She’s really supportive and she motivates me.”
Pero happy sila pareho na magkasama na sila sa BNY and looking forward sila sa mga mall tours nila together.
Samantala, bilang endorser ng BNY, Jimuel will be the new face of “athleisure” apparel na pinaghalong sporty and leisure wear na tamang-tama raw sa lifestyle ng binata ni Pacman.