Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinkee Hermes, LV bike regalo ng kumpare

0 623

Dinagdagan ni Jinkee Pacquiao ang caption sa kanyang post tungkol sa kanyang mga mamahaling bisikleta.

Hulyo 2 nang i-post sa Instagram ni Jinkee ang kanyang Hermes at Louis Vuitton bicycles.

“His and Hers,” ang orihinal na caption ng asawa ni fighting senator Manny Pacquiao.

Related Posts

Pero kamakailan, matatandaang pinalagan ni Agot Isidro ang pagbabalandra niyang ito.

May ilang netizen din na sinabing dahil isang public official si Manny ay hindi dapat nito ipagmalaki ang kanilang marangyang pamumuhay.

Hindi natukoy kung dahil nga ba sa mga naturang puna kaya in-update ni Jinkee ang caption:

“Ang bike na ito ay gift po sa amin ng aming kumpare na si Hermie Esguerra.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.