Abante Tonite Interactive

Jinkee kay Manny: Tama na honey!

301

Kung si Jinkee Pacquiao ang masusunod, isang laban na lang matapos kay Adrien Broner ang ibibigay nito sa kanyang asawa na si Manny Pacquiao bago tuluyan itong magretiro.

Sa panayam ng Showtime Sports’ All-Access: Pacquiao vs. Broner, sinabi ni Jinkee na napag-uusapan na nila ang pagreretiro ng kanyang asawa sa boxing.
“Sometimes we talk about retiring because boxing is a tough job for the both of us. If he wins, maybe [this] year one fight and then that’s it. I pray for that,” wika ni Jinkee.

Bagama’t 40-anyos na ang eight-division champion, nasa tamang postura at laro pa rin ito lalo na sa pagdepensa ng kanyang titulo kontra Broner sa susunod na linggo.

“When that time comes, I will know that. But right now, I listen to my body, not to my mind. And also, I’m enjoying it. I don’t feel like 40 years old,” ayon sa unang pahayag ni ­Manny. (Fergus Josue Jr.)