Abante Tonite Interactive

Jinkee kinaiinggitan ng mga K-adiks ngayon

158

SIGURADO kami, napakaraming K-Drama addict ang inggit na inggit ngayon sa misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao.

Ikaw na nga ang maging misis ng Pambansang Kamao na sa ibang bansa, once na magpunta ka at sinabi mong taga-Philippines ka, ang siguradong maaalala nila at tumatak, ‘Manny Pacquiao!’

So yun na nga, join na rin si Jinkee sa mga K-Drama addicts at ang masuwerteng Korean actor na paborito niya ay si Ji Chang Wook na kasalukuyang nasa military duties nito.

Pero, hindi ito naging hadlang para magkaroon ng instant autograph picture si Jinkee ng idol niya with matching calendar at CD.

Daig pa yata sa nanalo sa laban si Manny sa pagkaka-post ni Jinkee sa IG caption niya ngayon sa natanggap mula kay Chang Wook.

Aniya, “OMG!!! OMG!!!! Isa sa pinakamasayang araw ko ngayon dahil sa surprise na binigay sa akin. As in super ang saya ko! Salamat sa kaibigan ni Manny na nagpunta para dito at may CD pa!

At may mga pa-hashtags pa itong #smallthingsmatter #imahugefan #happy.

Siyempre, mababasa naman sa comments ng netizens sa post ni Jinkee ang sangkaterbang K-Drama addicts na nainggit kay Jinkee. Iba na nga naman maging misis ni Manny.