Abante Tonite Interactive

Jinkee, Lucy patalbugan sa SONA

832

Sa Lunes na (Hulyo 22) gaganapin ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pabonggahan kaya o magiging simple ang kasuotan ng mga dadalo rito?

Tulad ng nakaugalian, inaasahang magpapatalbugan ang mga asawa ng mga senador at congressmen pagdating sa pagrampa sa nasabing okasyon.

Ano raw kaya ang isusuot ni Jinkee Pacquiao na misis ng Pambansang Kamao na si Pacman sa kanyang Michael Levya OOTD? Uuwi kaya sila agad pagkatapos ng laban ni Manny sa Las Vegas, Nevada?

Asahang join din sa rampahan si Batangas Rep. Vilma Santos-Recto, Ormoc Congresswoman Lucy Torres-Gomez, Tootsy Angara, Helen Gamboa, Lani Mercado at marami pang iba. (Archie Liao)