Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinkee nagpahigop ng taba

0 465

Aliw ang naging usapan nina Jinkee Pacquiao at Dra. Vicki Belo sa pinakabagong vlog ng tinaguriang dermatologist of the stars.

Inaalala ni Jinkee ang kanilang humble beginnings ng Pambansang Kamao noong nag-i-struggle pa lamang si Manny sa larangan ng boxing.

Aniya, may mga pagkakataon daw na nangungutang sila sa kanilang mga kakilala para may maipagtustos lamang sa mga gastusin ng asawa sa training at pagluwas nito ng Maynila.

Aminado rin siyang dahil laki sa hirap, natuto rin silang pahalagahan ang pera sa murang edad.

Pumasok din siya sa odd jobs tulad ng pagiging saleslady bago pa man siya makilala ni Manny.

Hindi rin daw siya naligtas sa mga batikos noon nang maging misis ni Pacman.

Tungkol naman sa pinaka-hate niyang tsismis na inakusa sa kanya , ito raw iyong sinabing mukha siyang pera at nagpapasasa siya sa kayamanan ng pride of Saranggani.

“Before, noong bago pa lang kami ni Manny, parang pineperahan… Pera lang ang habol dahil nag-champion sa boxing,” aniya.

Ang hindi raw alam ng mga tao ay nandoon na siya sa piling ng People’s Champ, kahit noong panahong wala pa itong masyadong kinikita sa pagboboksing.

Sa ngayon, maituturing nang isang fashion icon si Jinkee dahil sa dami ng signature brands niya.

Meron na rin siyang brand ng lipstick na kasama sa kanyang ibinebenta sa ngayon.

Dahil sa tagumpay ng kanyang husband bilang international boxing icon, malaki rin daw ang ipinagbago ng kanilang buhay.

Nakasalumuha na niya ang kilalang celebrities sa buong mundo tulad nina President Obama, Prince Harry, Tyra Banks, mga kilalang Hollywood celebrities at marami pang iba.

Umamin din siyang nagpahigop ng taba o nagpa-lipo noon para raw naman maging presentable siya kapag kasama ni Manny sa mga laban nito.

Hirit niya, iyon daw kasing mga Latina na dyowa o asawa ng mga nakakalaban ni Manny ay ubod ng seksi kaya naman kailangang makipagsabayan din siya.

Mahilig ding mamili si Jinkee ng signature items online pero minsan daw ay nasoo-short change din siya dahil may mga pagkakataong ang naide-deliver sa kanya ay hindi tugma kumpara sa nakita niya sa anunsyo nito.

Bong sinita ni Lani sa kissing scene kay Sanya

Sa kanyang Facebook account, namigay ng ayuda si Senador Bong Revilla sa kanyang followers kung saan umulan ng cash prizes.

Kapiling niya sa live video ang kanyang misis na si Lani Mercado, ang kanyang mga anak at mga apo nagre-relax sa kanilang farm sa Silang, Cavite.

Nagpapaalala rin ang showbiz couple tungkol sa kanilang mga ayuda.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-imbita rin si Bong sa kanyang followers na abangan ang episodes ng kanyang bagong seryeng “Agimat ng Agila” sa GMA-7.

Ani Bong, worth it daw ang paghihintay dahil pinaghirapan daw nila ito para mapaganda ng kanilang co-stars at ng director nitong si Rico Gutierrez.

Binanggit din ng senador ang kanyang leading lady na mapapanood na ngayong third episode.

Nagpasakalye rin ang actor ukol sa kanilang kissing scene ni Sanya.

“Abangan niyo yung aming kissing scene, kissing scene eh ‘no,” banggit niya habang nakabaling kay Lani.

“May kissing scene kayo?,” pagsita ni Lani.

Kilala si Bong bilang Titanic action star na madalas inaabangan ang kissing scenes niya sa kanyang leading ladies.

May ilan namang kibitzers na nagsabing hindi raw kaya magselos si Lani kapag mapanood nito ang halikan nina Bong at ni Sanya?

Jake nabastusan sa pagkumpara kay Charice

Tulad ni BB Gandanghari, iba na rin ang drama ngayon ni Jake Zyrus.

Kung si BB ay inilibing na si Rustom Padilla, ganoon din ang ginawa ni Jake kay Charice Pempengco.

Kamakailan, hindi kasi nagustuhan ni Jake ang sinabi na ilang netizens na nami-miss nila si Charice sa katauhan ni Zyrus.

Dahil dito, hindi napigilang maglabas ng sama ng loob ng transgender man sa social media .Napamura pa ito sa pagkukumpara sa kanya sa dating persona.

Nabastusan din siya sa mga komento na nagsasabing mas okay si Charice kesa kay Jake.

“I don’t care if you want to listen to my Charice songs all damn day or if you hear my Charice voice in my falsettos, because of course you dumbass MF, boses ko pa rin ‘yon. Nag-transition lang.

“Sabi ko ‘wag na patulan mga ganung tao kasi nagiging feeling na, pero hindi kasi bastos na talaga ang iba. Okay ako kung i-compliment mong naririnig mo kasi totoo naman ‘yon. Pero para ipangalandakan mo na ‘Charice is coming back’, and also binabastos na ang pagkatao ko nang dahil lang doon, get yo MF transphobia ass away from me.

“Feeling alam ang sinasabi. Patalino effect. Entitled. I’ve done some interviews where I’d say okay lang kahit sinasabi nilang nami-miss nila si Charice or sayang mga nangyari before and I’d just awkwardly smile and take it just because I wanted to please these MFs. Nakakalito na nga interviews ko para kahit papano ‘di masyado problematic at medyo pasok pa rin sa ‘nyetang standards ng karamihan.

“I am not MF okay with this. Kasi the more na sinasabi kong ‘Ah, oo, okay lang ‘yun,’ okay lang na nagkakamali silang tinatawag akong Charice or okay lang na tanggap nila ako as Jake pero mas gusto nila ako pre-transitioned, the more na nagiging kampante ang ignoranteng palaka na bastusin kung ano ang naging desisyon ko sa buhay ko. Lagi na lang ako nag-iisip kung anong sasabihin ko sa mga interviews para balance lang ang maisip ng mga tao at para ‘di sila ma-trigger at sabihin na wala akong utang na loob or the ‘kung ‘di dahil sa amin or akin mentality’. Never again. Ilang beses na akong na-offend na hindi ako nagsasalita. Last na ‘to. Tutal ke public or sa family or sa mga ex-friends ko eh mayabang at masama ang ugali ko, so be it.

“I know my MF heart. Bring it on.

“Hindi ‘yung respeto sa nakaraan, bastusin ang kasalukuyan.

“Ayusin mo opinyon mo. Ay, hindi pala opinyon ‘yan. Insulto ‘yan. Ignorante ka nga pala. Prepare ko sarili ko sa ibang sasabihing sila pa mabu-bully. LOL. Really tho, bless your hearts. Full of hate, convincing yourselves na tama ka just because sa mata ng tao normal ka? LUL. This goes out to some LGBTQ+ na bashers ko rin. Sa totoo lang tayo. ‘Di talaga sa labels ‘yan. Ugali ng tao talaga ‘yan,” sey ni Jake.

Leave A Reply

Your email address will not be published.