Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinkee nang-iinggit kay Agot

0 849

NI: ARCHIE LIAO

Ayaw paawat si Jinkee Pacquiao sa pagpo-post ng kanyang branded items sa panahong na maraming nagugutom dala ng pandemya. Keber niya sa puna ni Agot Isidro.

Mukhang ayaw niyang paapekto sa mga nagsasabing insensitive siya lalo pa’t feeling naman niya ay wala siyang tinatapakang tao.

Paniwala rin niya, na kung anumang tinatamasa nila at ini-enjoy sa ngayon ay mga bagay na pinaghirapan nila.

Kamakailan lang, inulit niyang muli na magbahagi ng litrato ng mamahaling couple bike sa kanyang IG story.

Sey tuloy ng mga netizen, sadya raw bang nang-iinggit si Jinkee kay Agot at ano na naman kaya ang magiging reaksyon ng aktres sa bago niyang post.

Kung sakaling ma-bash daw muli, siguradong babasahan na lang daw nito ng Bible verses ang sinumang babatikos sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.