Abante Tonite Interactive

Jinkee niregaluhan ng lalake ni Pacquiao

‘Happiest day of my life!’

8,929

NAKU, lagot si Bernard Cloma kay Jinkee Pacquiao. Si Bernard pala ang nagkuwento kay Nay Lolit Solis kung ano ang nasa likod ng Instagram post nito ng pasasalamat sa mister na si Manny Pacquiao habang nasa Seoul, Korea sila.

Naunang nag-post si Jinkee kung saan ay pinasasalamatan niya ang mister sa surpresang ibinigay sa kanya.
“I am grateful for my husband for giving me the most sweetest surprise. The swee­test and happiest surprise ever! Thank you, Babe! Love you! ❤❤❤ (I will reveal it soon!)

#Abangan! #happiestChristmaspresent❤ #dreamsdocometrue #happiestdayofmylife,” caption ni Jinkee.

Pero ilang oras pa lang pagkatapos ng post ni Jinkee, si Nay Lolit naman ang nag-post at ikinukuwento na nag-dinner daw si Jinkee at ang sikat na Korean actor na si Ji Chang Wook (Healer, K-2 and Suspicious Partner).

Ang post ni Nay Lolit, “Naku Salve cry ako, hitsura ng bagyo, mas malakas cry ko huh huh. Si Jinkee Pacquiao nag-dinner sila Ji Chang Wook during his military Christmas break huh huh, sana nag-asawa ako boxer para dinner din kami Jo Insung, huh huh, unfair, unfair. Hindi nag- overtime guardian angel ko, hindi niya nagawan paraan na magtagpo ni Insung.

“Mas busy angels Jinkee, nagawa agad paraan meeting Jinkee at Chang Wook, kainis, huh huh, di ko sila give bonus, hah hah angels takutin ng bonus, hah hah. Hay naku feeling ko breakdown ako, maloka na, hitsura new year.

“Naku Jinkee, buti na lang takot ako sa knockout para Manny kundi sa sobrang inggit hay naku ewan ko baka sabunutan ko na lang Bernard Cloma huh huh huh.”

Aliw na aliw kami sa post ni Nay Lolit na siya talaga at inunahan si Jinkee sa pagre-reveal ng surprise ni Sen. Manny. Kaya naman pati ang mga netizens ay nag-comment na alam na raw nila dahil ni-reveal na ng veteran columnist/talent manager.

Tulad ni Nay Lolit, K-addict na rin kasi si Jinkee at ang idol nga niya ay si Ji Chang Wook.

Kaya hindi mo talaga masisisi ang K-adiks kung hangarin nilang sabunutan si Jinkee sa sobrang inggit.