Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Jinkee pinainom ng tubig si Agot’

0 1,695

Mistulang may chill na sagot si Jinkee Pacquiao sa bumabatikos sa kanya.

Ito ang komento ng ilang netizen matapos birahin ni Agot Isidro ang pag-post ni Jinkee ng Hermes at Louis Vuitton bicycles nito kamakailan.

Tinweet ni Agot na “alam namin na marami kayong pera … pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?”

Walang sagot si Jinkee, pero ilang oras matapos ang tweet ng aktres ay nag-post ang nauna ng larawan ng kanyang lemon water.

Related Posts

Kaya naman, nang-intriga ang ilang netizen sa dalawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.