Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinkee Tsinelas Queen

0 560

NI: ALWIN IGNACIO

Pag branded at designer products ba ang ginagamit, nakakaganda? Iyan ang tanong na hindi ko alam sagutin lalo na nga’t ang subject ay si Ginang Jinkee Pacquiao.

Wala naman akong pakialam kung pulos istariray brands ang mga pambahay niya at mas lalong hindi ko naman pinagnanasaan ang kanyang mga mamahaling tsinelas na mula luxe fashion houses.

Ang gusto ko talagang malaman, kung hindi ba siya naging salamat po doktora beauty, may dakilang ganda ba talaga siya?

Siya na hindi lang regular kundi habitual na umiinom ng mga glutathione at collagen supplement at oo, kuminis at sumariwa ang kanyang balat na alam mong alagang-alaga, pero masasabi mo bang gandang natural at hindi artificial ang kanyang ipinapakita sa lahat?

Pag sinabi niya ba ang mga salitang “Mirror, mirror on the wall, who is the fairest of them all” at pag pinagmasdan niya ang reflection sa salamin, does she even see a semblance of her former self? Does she even miss or wonder whatever happened to the woman, to the Jinkee of the hungry and struggling years?

If you have everything that money can buy, maligaya nga ba talaga ang isang Mrs. Manny Pacquiao?

At ang mga anak niyang babae, kapag tinanong siya na “what is beautiful, mama,” ano nga kaya ang kanyang mabilisang tugon?

Kaya kung fascinated talaga si Jinkee na mag-acquire at itodo ang bilihan para sa kanyang araw-araw na tsinelas of choice , bagay na bagay nga sa kanya ang titulong branded tsinelas queen, hindi ba naman?

Afford na afford niya kaya who are we to stop her and question her choices. Matanda na siya. Alam na niya ang tama at mali.

Leave A Reply

Your email address will not be published.