Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinkee, Vicki nagkabugan

0 306

NI: ARCHIE LIAO

Nagpatalbugan sina Jinkee Pacquiao at Dra. Vicki Belo sa isang Tiktok video.

Nag-trending ang nasabing video dahil hindi nagpakabog ang isa’t-isa sa mga hamon nilang hinarap.

Sey ng mga netizen, kuwela pa lang pagsamahin ang dalawang personalidad na ‘belong to the rich and famous.’

Sa post ni Dra. Vicki, may caption itong “Honesty is the best policy @jinkeepacquiao!”

Ipinakita kasi sa video kung ano ang magiging choices nila sa mga kategoryang magde-define sa kanila o pipiliin nila sa kundisyong dapat ay maging honest sila sa kanilang sagot.

Habang rumarampa, pinapili sila sa kanilang sagot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Between introvert and extrovert, iginiit ni Jinkee na introvert siya samantalang extrovert ang sagot ni Vicki.

Bet din ni Jinkee ang singing samantalang dancing ang pinili ng doctor to the stars.

Sa designer items, choice ni Jinkee ang Fendl samantalang Louis Vitton ang brand of choice ni Vicki.

Type rin ni Vicki ang chinito samantalang moreno ang weakness ni Jinkee dahil moreno si Pacman.

Between lights off and lights on, ang una ang pinili pareho ng dalawa.

Nagkaroon naman ng kalituhan at hilahan nang papiliin sila kung alin ba ang bet nila: sex o chocolates.

Sumatutal, naging riot ang pagsasama nina Jinkee at Vicki.

Leave A Reply

Your email address will not be published.