Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinkee yayamanin, nega kay Manny

0 140

Mistulang magiging pabigat diumano sa pagtakbo ni Senador Manny Pacquiao sa 2022 presidential election ang kanyang esposa na si Jinkee kapag umarangkada na ang kampanya.

Sa esklusibong panayam ng Abante Radyo Tabloidista nitong Sabado, sinabi ni Dr. Jean Franco, isang political analyst at professor ng University of the Philippines (UP), puwede aniyang gawing lucky charm ni Pacquiao ang kanyang inang si Mommy Dionisia sa panahon ng kampanya sa halip na ang asawang si Jinkee.

Ito’y kung nais aniya ng senador na mahatak ang mga mahihirap para iboto siya sa pagka-pangulo.

Ayon kay Franco, kung gagamitin ng senador ang kanyang pagiging mahirap noon para makahatak ng boto ay si Mommy Dionisia ang dapat na iharap nito sa mga tao.

“Ang tingin ko ang mas dapat iharap niya sa tao si Mommy Dionisia. Parang she’s everybody’s lola, nakakatuwa, attention getter. Ang pakiramdam sa kanya ng tao, she deserves kung ano man ang meron sa kanya ngayon. Palagay ko magandang framing `yon, kung may political ad silang dalawa, maganda `yon,” ani Franco.

Sa ngayon aniya ay kilala na si Pacquiao na bilyonaryo kaya mahirap paniwalain ang mga tao na mahirap siya.

Hindi aniya maniniwala ang mga tao kung ang asawang si Jinkee ang iharap ni Pacquiao sa publiko sa kanyang pangangampanya lalo na kung gagamitin niya ang pagiging mahirap dati.

“One thing going against kay Manny ay `yong pinagmulan niya, kaya lang hindi na siya mukhang mahirap. `Yong misis niya kasi hindi na masyadong ano, mayaman na ang dating kaya `yon ang puwedeng maka-turn off sa ibang botante,” dagdag ni Franco. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.