Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinri bet makita ang lolo bago mabulag

0 71

NI: BETH GELENA

REMEMBER Jinri Park?

Ang Korean actress na pumasok sa Pinoy Big Brother celebrity edition. Dito sa Pinas nagwo-work noon si Jinri as an actress-model.Naging DJ rin siya sa Monster Radio RX 93.1 at columnist sa isang magazine.

Naging sexiest cover model din siya ng FHM

Married na si Jinri last 2020.

So far ay sa Sydney. Australia na naka-base ang mag-asawa..

Sa Instagram story ni Jinri, may post siyang nami-miss na raw niya ang kanyang grandparents.

“My grandfather is going blind, I hope I get to see him soon before he goes completely blind.”

Ayon sa aktres, ang manirahan sa ibang bansa ay struggle para sa kanya.

“Everything was back to zero for me.”

Hindi rin siya nahiyang sabihin na ang trabaho niya roon ay isang waitress.

Last year, ay nag-reunite ang pamilya ni Jinri after two years nilang hindi nagkikita.

Ayon kay Jinri nu’ng panahon na hindi niya nakikita ang pamilya, ang only way daw para makakonekta sa mga ito at forever remember her roots ay ang dalawang sampaguita tattoos na ipinalagay niya sa katawan last year.

Kahit taga-Korea si Jinri, nai-apply niya sa sarili ang kulturang Pinoy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.