Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jinri ‘di nagyaya ng sex

0 88

NI: NONIE NICASIO

Pampagana sa member ng opposite sex ang makikita sa Instagram post ni Jinri Park.

Tunay na mapanukso ang kaseksihan niya, kaya sadyang magwawater-water sa kanya ang mga kalalakihan. Walang barakong hindi pagpapawisan nang malapot at hindi pagnanasaan ang taglay niyang kariktan.

Dito’y animo itinodo na ni Jinri ang pagpapa-sample ng kanyang kaseksihan, nang walang takot niyang ibilad ang halos hubad niyang alindog.

Sa kakapiranggot na tumatakip sa maselang bahagi ng kanyang pagkababae, may mensaheng gustong ipaabot ang Korean actress/model.

SM food to go Banner Ad

Caption ni Jinri sa naturang IG post:

I’m sexy. Doesn’t mean I’m easy or inviting you to sex. It’s empowering. I love my body and you should too. If you love your wife, girlfriend, daughter or friend you should empower them too. You are beautiful just the way you are. Tall short fat skinny it doesn’t matter. Don’t let anyone take that away from you , you’re perfect and worthy of love ❤️ #womensupportingwomen #womenempowerment #women #selflove #supportwomen #loveyourbody

Anyway, ang beauty ni Jinri ay pampayanig sa mga lalaking type na type ang mga hot babe na gaya niya.

Ang lakas ng sex appeal niya ay sapat na para lalong magtitilam-tilam ang mga kalalakihan.

Sa kakaibang lakas ng alindog ni Jinri, hindi nakapagtataka kung maging laman siya ng pantasya ng maraming barako.

Leave A Reply

Your email address will not be published.