Abante Tonite Interactive

Jinri nagpa-buffet ng kaseksihan

By
4,410

Walang humpay na nagpatakam si Jinri Park sa kanyang Instagram wall ng mga sexy photo na kuha sa mga pagpo-post niya sa FHM.

Tila naging buffet ang mga nakakapaglaway na mga sexy photo ni Jinri sa IG para sa mga kalalakihan. Busog na busog ang mata ng mga follower ni Jinri. Mahirap na kasing makita pa o mahalungkat ang mga kopya ng mga ganitong larawan niya.

Ito ay para bigyan ng tribute ang official announcement ng Summit Media na hindi na sila maglalabas ng mga paper hard copy ng kanilang mga magazine, kabilang na ang FHM. Gagawin na nilang digital online ang lahat ng kanilang produkto.

Dahil dito, nag-throwback si Jinri ng mga shot niya mula sa FHM at muli niya itong ibinalandra sa kanyang IG.

Sa kanyang message caption, sinabi ni Jinri na ang pagpapa-sexy ang nagdala sa kanya sa maraming mga opportunity.

Anyways, bagama’t hindi naman sexy pero nagpahayag din ng kanilang pang­hihinayang at gratitude ang ibang mga star na nabigyan ng pagkakataong makapag-cover sa mga babasahin ng Summit.

Ang mga ito ay sina Isabelle Daza, Anne Curtis, Iza Calzado, Georgina Wilson, Dominique Cojuangco at iba pa.