Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jio rumesponde kay Barroca

0 102

Si Jio Jalalon ang pinag-start ni Magnolia Pambansaang Manok coach Chito Victolero kahalili sa puwesto ni Mark Barroca kontra TNT sa Game 3 ng PBA Philippine Cup Finals nitong Linggo sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor.

May iniindang hamstring injury ang starting playmaker ng Hotshots.

Rumesponde si Jalalon ng 11 points, 3 rebounds, 3 assists at 2 steals. Ang 29-anyos na guard din ang unang tinokang mambulabog kay Tropang Giga super rookie Mikey Williams.

Maagang nagtrabaho ang Magnolia at naipreserba ang 106-98 win sa kabila ng rookie record at Finals-high 39 points ni Williams na 10 for 13 sa 3-pointers.

Idinikit ng Hotshots ang best-of-seven sa 2-1, may tsansang ibuhol sa Game 4 bukas.

Nangulit buong laro si Jalalon.

“Kumuha ako ng motivation kay Mark,” aniya. “Kita ko kasi na-injured na pero laban pa rin.”

Nagsalansan ng pinagsamang 30 points sina Jalalon, Paul Lee at Calvin Abueva sa first half at sa unang pagkakataon sa series ay pumasok sa break ang Hotshots na abante 52-46.

Sa kabila ng iniinda, nagawa pa ring tumapos ni Barroca ng 16 points kasama ang all-important floater papasok sa final minute nang huling dumikit ang TNT 98-95 sa tres ni Williams. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.