Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jisung sinugod sa ER

0 159

Ang tumatayong leader ng “Girls Alert” na si Yoon Ji-Sung (Jisung) ay isinugod sa emergency room habang nagpi-filming ng bago niyang drama.

Noong August 16, habang nasa kalagitnaan ito ng shooting ng web drama na “Ugly Complex,” bigla raw itong nagsuka. Pagkatapos ay nawalan ng malay.

Sa DR Studio, Mapo, Seoul ang location nila, pero maagap naman daw na nadala sa emergency room ng hospital ng Sinchon si Jisung.

Pero kahit na may dinaramdam, pagkatapos na mabigyan ng paunang treatment ay hindi raw ito pumayag na hindi bumalik ng filming. Ayaw niya na maging cause of delay sa ginagawang web drama.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa agency ni Jisung, ang Roots Entertainment,

“The diagnosis was that she had symptoms of enteritis [inflammation of the intestine] but more testing is required for an accurate assessment of her condition. Jisung herself insisted that she would return to filming because everyone on set was waiting for her. She said she would get an intravenous saline solution and finish what she had to do for the day. She promised to get a more detailed examination tomorrow. She is currently receiving the IV saline solution and is showing signs of recovery.”

Pero ang mga fan nito ang nagwu-worry para sa singer/actress. Sinasabi rin nila na hindi raw dapat patuloy na pini-praise o gino-glorify ang mga celebrities na kahit may sakit na, napipilitan pa rin magtrabaho.

Dapat daw, health is more important than work.

Leave A Reply

Your email address will not be published.