Abante Tonite Interactive

Jk, Kisses, Ylona pasok sa ‘You’ll Never Make It List’

1,043

PART 1

Dahil sampung araw na ­lamang bago ang Kapaskuhan, ang diva that you love, ilalan­tad na kung sino ang pasok sa banga at kung sino ang walang karapatang magdabog ang bangs. Ito na ang taunang “You’ll Never Make It List!” Handa na ba kayo? Ang tanong, handa na ba sila? ­Hahahhaha!

1. Prince Stefan – Ang film ­production outfit where he ­belongs, gusto yata siyang gawing millennial kuya Roderick Paulate. Kaso, sorry na lang si Stefan, kahit si nanay Gloria Stefan of the Miami Sound Machine, alam na alam na nunca na mag-co-Conga ang kanyang karera. Mula sa pagiging straight acting boy borta, naging pamhintang nagmahahal, hanggang sa gusto yatang karirin ang pagiging screaming fairy, wala na talaga siyang ibubuga. Ang patunay, may naitulong ba ang kanyang presensya para may manood sa “My Bakit List?” Ay, may ganun palang pelikula? Yun na yun!

2. Ylona Garcia – Oh my! Buti pa si Ilonah Jean of yore, may nakaka-alaala pa eh itong si Ylona remember niyo man lang ba ang kanyang name? Hindi nag-live forever ang kanyang pagiging istariray. Gone with the wind. Gone in 60 seconds. Lost in emotion. Lost in space. Ylona Garcia sino siya? Alam na!

3. Kristoffer Martin – Kung anuman ang promise of a new day nitong very promising actor na ito dati, oh promise me na lang sa kasalukuyan. Dating perpetually paired kay Joyce Ching na may asawa na ngayon, saan pang pansitan, kangkungan at kalabasahan pupulutin ang karera ni Martin? Saan pa eh di sa listahan na ito! Hahahaha.

4. JK Labajo - Oo, may one hit wonder siya, ang phenomenal “Buwan” pero pagkatapos nun, ano ang ginawa niya? Pinalapad ang sarili. ­Laging mukhang marumi. Palaaway. Palamura Pumasok agad ang kasikatan sa ulo niya. Hindi pa siya handa sa superstardom. Kaya ­tuloy ang super model ­niyang kasintahan, si Maureen Wroblewitz, hinila niya sa pagiging spaghetting pababa. Kaya sorry JK, hindi mo na makakabog ang karibal mong si ­Darren Espanto lalo na kung go for gold ang iyong juvenile lifestyle and choices.

5. Kisses Delavin – Sino kaya ang nagbigay ilusyon na puwede talaga siyang ­maging “artista” o maging “star” man lang. Nakaka-arte ba? Hindi. Nag-iinarte o sadyang maarte lang? Puwede. May ganda ba? Makinis siya. Mayaman. Pakitanong na lang si Daimos, Mazinger Z at Zaido, baka alam nila ang sagot. Puwede niyo ring itanong sa buwan. (Itutuloy)