Sa TikTok, ibinahagi ni Maureen Wroblewitz ang isang video kasama ang kanyang dyowa.
Sa video makikita siyang parang naglalaro na nakabitin sa kanyang boyfie.
May mga kinilig naman sa pa-PDA ng dalawa.
Sa comment section naman, nabanggit ng nagma-Marisol ang awitin ni JK kasama si Moira dela Torre na “Medyo Ako” at ang tungkol sa lyrics nitong “na medyo iba pero medyo ako.”
May nang-urot pa sa model-actress kung feeling nito ay puwedeng maulit sa kanya ang nangyari sa ex na si JK Labajo.
“Hindi ka ba na de-dejavu beh?”, pang-iintriga ng netizen.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Maureen sa kanyang sagot at idinepensa ang boyfriend.
Aniya:. “No cause my bf is the complete opposite lol.”
Sa tinurang ito ni Maureen, marami naman ang nag-react.
Hirit ng kibitzers, hindi pa raw nakaka-move on ang model-actress sa ex na si JK.
“parang hindi maka move on na ex eh hahahaha ni wala ngang sinasabi si JK sa kanya pabalik. magparinig gusto, mag heal ayaw???
“Si ate hindi na ata nakaheal. Sya pa rin panay shade til now”
“Siya ang nakipaghiwalay siya pa ang may kuda.”
“Nainis na ata si Maureen sa comsec niya puro kasi about kay JK😭”
“I think she’s annoyed na sa ulit2 na pag mention kay JK”
“Bakit parang may pagka bitter siya? Diba siya nakipaghiwalay?”
“Akala ko ba in good terms silang naghiwalay? Ano issie ni gurl? Nanahimik naman si JK”










