Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JK nagyaya sa Tinder

0 259

Marami ang napatanong kung totoo nga ba na ang singer na si Juan Karlos Labajo ang nasa Tinder.

Verified kasi ang nasabing account, na ibig sabihin ay dumaan ito sa mabusising proseso para malaman ng mga makakakita na totoo ang gumagamit ng account.

Sinagot naman ito ni JK sa kaniyang Facebook page. Dito niya sinabi na totoong gumawa siya ng Tinder para mag-aya ng ilang maswerteng fans na mapanood siya ng live sa isang year-end concert.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“hi poez gumawa ako ng tinder para makapag invoyt ako ng 5 pipols with verified accounts para mapanood ako mag perform live for BYE 2021,” caption ni JK sa kaniyang Facebook post.

Nilinaw naman ng singer na alam ng kaniyang kasintahan na si Maureen Wroblewitz ang tungkol sa Tinder account.(Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.