Abante Tonite Interactive

JLo binatikos ng mga animal activist

0 344

Binatikos ang iconic singer at actress na si Jennifer Lopez ng mga animal activist sa Toronto Film Festival dahil sa paggamit niya ng animal fur o balahibo ng hayop.

Rumampa sa red carpet si JLo para sa premiere ng bago niyang pelikula na “Hustler”. Subalit hindi siya nakasuot ng fur sa mismong event dahil isang ruffled marigold gown ang kanyang outfit.

Naging target ng mga nagpoprotesta si JLo dahil sa madalas nitong pagsusuot ng fur coat. Sa mismong premiere show, hawak ng mga nagpoprotesta ang placard na may nakasaad na “J Lo hates animals” at “J Lo stop wearing real fur”.

Bukod pa dito, sa trailer ng kanyang bagong pelikula, nakasuot ang aktres ng fur, ngunit hindi sigurado kung totoo ito o peke.

Sa video na nakunan mula sa TMZ, makikita ang galit ng mga aktibista. May isa pang nagsasabi na libo na ang pinatay na hayop ni JLo. Dedma naman ang aktres sa mga nagpoprotesta sa mismong red carpet. (Ronaline Avecilla)