Abante Tonite Interactive

JM, BUMALIK SA REHAB

By
36

KINOREK kami ng isang highly-placed source (HPS) tungkol sa sinulat namin dito sa TONITE nu’ng Sabado na nakalabas na ng REHAB si JM de Guzman.

Ayon kay HPS, totoong nakalabas si JM nu’ng isang araw at nakapag-mall pa ito kasama ng kanyang pamilya, pero BUMALIK din ito ulit sa rehab nu’ng araw ding ‘yon.

Bale bahagi raw ‘yon ng 12-HOUR OFF ni JM para sa buwan ng Marso, pero hindi totoong nakalabas na ito ng rehab for good.

Sa pagkakaalam namin ay ‘yun ang simula na makakalabas-labas na si JM once a week, pero babalik pa rin siya sa rehab facility dahil 12 oras lang ang maximum niya kada buwan.

For sure, maraming­ malulungkot sa balitang ito dahil na-excite ang friends and supporters ni JM nang makita ang posts niya sa Instagram na nasa labas siya at may nagpapa-picture pa sa kanyang fans.

Maaliwalas din ang kanyang aura at mukhang okey na siya, kaya ma­ging ang mga kaibigan niyang artista ay natuwa.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napasok sa rehab ang 28-anyos na aktor dahil sa kanyang problema sa droga.

Latter part of 2015 nang huli siyang i-admit sa rehab at hanggang ngayon ay wala pa siyang release papers.

Ang paliwanag sa amin ni HPS, hindi lang kasi rehabilitation ang ginawa kay JM kundi marami pa siyang ibang pinagdaanan kaya matagal ang proseso.

Pasalamat na lang din si JM at may isang mapagpalang nilalang na sinagot ang kanyang pagpapagamot na ‘yon, na medyo ikinagulantang namin dahil NAPAKAMAHAL pala nito.

Sana ay huwag nang sayangin ni JM ang chance na ito dahil baka wala ng next time!

May mga iba pa ka­ming nalaman na sobrang ikinalungkot namin, pero wala kami sa posisyon para isiwalat ang mga ‘yon.

Isa pang CORRECTION.

Hindi sa indie film na Imbisibol nanalong Best Actor si JM sa 2015 MMFF New Wave section kundi sa Tandem.

Sa Gawad Tanglaw­ siya nag-Best Actor para sa Imbisibol at Best Supporting Actor siya sa Houston International Film Festival para pa rin sa nasabing pelikula.

“I will always be a student of acting. I will work harder next time if given a chance and will stick to my commitment to always give my ­everything in acting.

“Please forgive me for my unorthodox ways in doing so. I will give more more importance on professionalism. Thanks!” ang pangako ni JM sa kanyang ‘speech’ na isinulat niya sa isang papel, tapos ay ipinost niya sa IG na hawak niya.

Haaayyy… SANA NGA!