Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JM damay sa hiwalayan nina Aljur, Kylie

0 167

ROMMEL PLACENTE :Mula nang ibulgar ni Robin Padilla na kaya raw nakipaghiway ang anak niyang si Kylie sa asawa nitong si Aljur Abrenica ay dahil sa third party sa parte ni Aljur. May ibang babae raw ang aktor.

Nadamay ang pangalan nina Cindy Miranda, Maika Rivera at Erin Ocampo pero pinabulaanan niula ang isyu.

Pero bakit lumutang naman ang pangalan ni JM de Guzman para kay Kylie? Hindi ako naniniwalang nanliligaw si JM kay Kylie.Ang pagkakaalam ko kasi ay nali-link ang aktor kay Ria Atayde.

RODEL FERNANDO: Napatanong ako bigla kung bakit may mga tsismis na ganyan at nadadamay ang pangalan ni JM. Minsan nga o madalas na kapag may usok daw ay may apoy. Pero feeling ko ay fake news ‘yan.

For sure, di naman gagawa ng isang bagay na hindi maganda si Kylie na ikasisira ng kanyang pamilya. After all, isinakripisyo niya ang maganda niyang career kay Aljur.

Pero, sa totoo lang bagay naman sila. If ever na humantong sila sa mabuting pagkakaunawaan ay hindi naman siguro masama. Kaya lang ay mukhang hindi pa ready ang puso ni Kylie. Kailangang maghilom pa ang mga sugat sa kanyang puso bago siya umibig.

MILDRED A. BACUD: Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkahiwalay sina Aljur at Kylie, di ba. Natatandaan niyo 2016 ay nagkabalikan amg dalawa that time na magnobyo pa lang sila.

Si Aljur ang nanuyo at sinundan pa sa ibang bansa si Kylie. Pero napapaisip din ang iba kasi may sinasabi sa kampo ng aktor na si Kylie daw ang may pagkukulang.

SM food to go Banner Ad

Feeling ko nadawit lang si JM at malabong mangyari ito. Hindi rin biro amg pinagdaanan ng aktor sa lovelife niya so I doubt kung papasok siya sa ganitong kumplikadong sitwasyon. Ang tanong bakit nga ba nadawit ang pangalan ni JM?

ROLDAN CASTRO: Nagsimula ang isyu kina Kylie at JM dahil sa tsika ni Xian Gaza sa live niya.

May isang netizen naman ang nagtanong sa comment section ng Instagram account ng aktres. Ito’y sa post niya na may caption na “Beth’s shoes are heavy.”

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni aljur luho mo? Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sa you pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh salamat po.”

Itinanggi agad ito ni Kylie.

“Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true,”pakli niya.

Klaro!

Leave A Reply

Your email address will not be published.