Abante Tonite
Mabilis sa Balita

JM dawit sa away nina Kylie, Aljur

0 107

Guessing game ngayon kung sino ang third party sa hiwalayan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Matindi ang pasabog ni Aljur sa kanyang social media account na hindi siya ang unang nagloko sa relasyon nila ni Kylie.

Naging kakatwa lang na tila nabaligtad na ang senaryo ngayon dahil ang inaakusahang nambababae ay pumalag.Bumuga na hindi siya umano ang unang nag-cheat.

Kanya-kanya namang espekulasyon ang mga katkatera kung sino umano ang ‘third party’ kina Kylie at Aljur.

Nabungkal muli ang isyu tungkol sa aktres at sa Kapamilya actor na si JM de Guzman.

Matatandaang sa pang-uurot ng isang faney kay Kylie, tinanong ito kung marami siyang suitors kasama na si JM .

Idinenay naman ito ni Kylie at sinabing magkaibigan lang sila ng aktor.

Meron namang dudoso sa naging statement ni Kylie noon kaya muling pinalulutang ang isyu ng aktres at ng JM.

Dahil din sa isinawalat ni Aljur, inaasahang marami pang mga nananahimik na isyu ang muling mabubuhay.

Yassi di bet gayahin si Andi

Nag-trending ang pagligo sa poso negro ni Yassi yari Pressman. Nangyari ito sa kanyang bakasyon sa Siargao kamakailan.

Aniya, unplanned daw ang kanyang pagpunta sa nabanggit na lugar.

Nevertheless, nag-enjoy naman daw siya sa kanyang stay doon lalo pa’t binisita rin niya ang kanilang restaurant na naapektuhan ng pandemic sa naturang lugar.

SM food to go Banner Ad

Gayunpaman, isang breather daw ang kanyang escapade sa naturang probinsya para makalanghap siya ng sariwang hangin at makalimutan ang ‘toxic living’ sa city dahil sa lockdown.

Tungkol naman sa tanong kung bet niyang doon na rin mag-settle down tulad ng kaibigan niyang si Andi Eigenmann, aniya, mas bet pa rin daw manirahan sa Rizal lalo pa’t ang kanyang trabaho at ilang mga negosyo ay nasa siyudad.

Pero kung gagawa raw sila ng pelikula sa Siargao, open daw siya na mamalagi muna roon.

Si Yassi ang bida sa tearjerker na “More Than Blue”, ang Pinoy remake ng Korean movie na may parehong titulo kung saan katambal niya si JC Santos.

Mula sa direksyon ni Nuel Naval, tampok din sa pelikula sina Ariella Arida, at Diego Loyzaga na mapapanood na sa Vivamax simula sa Nobyembre 19.

JC balak layasan ang ‘Pinas

Sobrang makawasak-puso ang mga eksena ni JC Santos sa pelikulang “More Than Blue” na isang heavy drama.

Katunayan, habang nag-iinternalize raw siya sa kanyang role, nahirapan daw siya dahil feeling niya pabigat nang pabigat ang mga eksena sa pelikula noong nagsho-shoot sila.

May mga pagkakataon nga raw na hindi siya ma-motivate.

Para raw ikundisyon niya ang sarili na makaiyak, kailangan pa niyang basahin nang paulit-ulit ang letter na ginawa niya para sa kanyang daughter tuwing aalis siya ng bahay para magtrabaho.

Nakatulong din daw na binigyan siya ng playlist ng songs ni Yassi na pakikinggan para mai-set ang mood niya sa mga malulungkot na mga eksena.

Feeling kasi niya, dahil sa maraming malulungkot na eksena ng iyakan, parang nasaid siya kaya kailangan niyang every now and then ay mag-recharge.

Inamin din ni JC na dahil sa hirap ng buhay at sa tumal ng traba, naisip daw nila ng misis na mag-relocate sa Australia.

Pero, paglilinaw niya, ito ay nananatiling nasa plan B pa lamang nila. ‘Yan daw ay kung iorse comes to worse raw at hindi mag-improve ang ekonomiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.