Abante Tonite Interactive

JM humingi ng tawad sa ama

By
5,453

Humingi ng tawad si JM de Guzman sa kanyang amang si Ronniel de Guzman at ina­ming nagkamali siya.

Sa Instagram Story ni JM ay mababasa ang mga statements na “I sincerely apologize. I was wrong.”

Mababasa rin sa IG story ni JM ang isang quotation na hindi namin alam kung mensahe niya sa sarili niya or sa ama.
“You don’t have to disrespect and insult others simply to hold you own ground. If you do that, that shows how shaky your position is,” ang nakalagay sa quote.

Sa ibaba ng quote ay mababasa ulit ang personal apology ni JM sa ama.

“Sorry for hurting your feelings. I’m really sorry dad. I love you @ronnieldeguzman1,” ang mensahe pa ni JM sa ama.

This confirms na tila may hindi nga sila pagkakaintindihan or may ikinagalit ang ama sa kanya pero kung nasusubaybayan mo ang recent posts ng mag-ama, magkakaroon ka ng ideya kung ano ba ang pinag-ugatan nito.

Base sa pagkasunod-sunod ng palitan ng post ng mag-ama recently, tila hindi nagugustuhan ng daddy ni JM ang pagiging close ng anak kay Angelica Panganiban.

Du’n pa lang sa larawang ini-repost ng daddy ng aktor kung saan ay makikitang kasama ni JM si Angelica na tila nag-iinuman at nilagyan niya ng hastags na #wrongcompany, #maymali at #ikawnaumiwas, mapagtatagpi-tagpi mo na ang ibig sabihin nito ay wrong company ang sinasamahan ng aktor at pinaiiwas niya ang anak.

Kasunod nito ay nag-post si JM ng isang quotation card na nagsasaad ng “Ok, you want me in a cage then I’ll come out in beast mode.”

At ang kasunod na nga nito ay ang paghingi ng tawad ni JM sa ama.

Marami namang netizens ang nag-comment na sana raw ay mag-usap na lang ang mag-ama in private at hindi sa social media.

Ang mga magulang naman na netizens ay nakaka-relate sa daddy ni JM dahil wala naman talagang magulang na naghangad nang masama sa kanilang anak kaya dapat lang daw talaga na makinig ang aktor sa ama niya.

Well, agree rin naman kami na dapat talagang sundin ni JM ang magulang niya lalo na kung para naman sa ikabubuti niya ang hangad ng mga ito.

Pero ang medyo hindi maganda sa issue, nalagay sa bad light si Angelica dahil ang tingin sa kanya ngayon ay bad influence kay JM. Sana ay kinausap na lang ni Ronniel ang aktres at ang anak mismo at hindi na idinaan pa sa social media.
***

Ina ni Carlo bumati kay Angelica

Speaking of Angelica P, ipinagdiriwang ng aktres ang kanyang ika-25 anibersaryo sa showbiz at sa kanyang IG post, medyo naging sentimental ang aktres as she shared her thoughts and feelings about it.

“Dalawampu’t limang taon na ko sa industriya. Akala mo, kapag ganun ka na katagal, madami ka ng natutunan. Napundar. Napatunayan. Pero, eto ako. Alam ko, eto pa lang ako. Masaya ko. Kahit eto pa lang ako. Eto pinaniniwalaan ko. At sapat sakin to. Ayoko ng sobra. Dun ako sa sapat. Kaya masaya ako,” ang post ni Angelica.

Marami ang bumati sa aktres sa comments section kabilang na si Marvin Agustin na may napakagandang mensahe kay Angelica.

“Happy 25th Angel! Ang sarap marinig ng mga sinabi. Ang sarap mapatunayan na napipili at nadedesisyunan ang kaligayahan. Kailangan lang alam mo kung ano to at higit sa lahat kilala mo ang sarili mo. Im happy for your happiness,” ang komento ni Marvin.

Nakatawag din ng pansin ng mga fan ni Angelica ang pagbati ng ina ni Carlo Aquino na si Amelia Liwanag.

“Masaya ako at masaya ka ngayon Gel. You are Blessed and you are a TRUE PERSON. Love you then and love you more NOW,” ang mensahe ng ina ng ex-boyfriend ni Angelica na for sure ay ikinatuwa ng mga CarGel (Carlo-Angelica) fans.

Bumati rin si Bianca Gonzalez, ang BFF ni Angelica na si Glaiza de Castro at kasamahan sa Banana Sundae na si Sunshine Garcia.