Abante Tonite Interactive

JM, Marco keri pagsabayin ni Ria

268

Naging usap-usapan noon ang naging pag-amin ng Kapamilya actress na si Ria Atayde sa segment na “Sagip or ‘Di Ko Trip” ng “TWBA” na may deal sila ng Viva hunk actor na si Marco Gumabao. Kung sakaling wala pa silang dyowa pagdating ng 35, may usapan sila na umano’y sila na lamang ang pakakasal.

Nilinaw naman ni Ria na biruan lang daw iyon between her and Marco.

Katunayan, hindi raw naman nanliligaw sa kanya si Marco pero aminado siyang tulad ni JM, special friend niya raw ito.

Talking of Marco and JM, pareho raw niyang close friends ang dalawa.

Gym buddies daw niya ang mga ito: si JM, sa boxing at si Marco sa Pilates.

Bilang kaibigan, part na raw ang paggy-gym ng bonding experience niya sa mga ito.

Wala rin raw siyang itulak-kabigin sa dalawa dahil pareho niya itong gymmates at kaya niyang pagsabayin ang mga ito sa kanyang fitness workouts.

Speaking of Arjo, sobrang bilib si Ria sa ipinamalas na galing sa pag-arte ng kuya niyang si Arjo sa ginanap na celebrity screening ng “Bagman 2” sa Santolan Town Plaza kamakailan.

Dagdag pa niya, gusto rin daw niyang muling makatrabaho ito pagkatapos ng “MMK” stint nila noon. (Archie Liao)