Abante Tonite Interactive

JM matindi ang pagkabalisa

761

Ang mahusay na actor, si JM De Guzman may ganitong post sa Instagram: “You’ve already prayed and you’ve already cried. So don’t worry. Just wait on it.”

Ang kanyang paliwanag tungkol sa nasabing posting: “If I hurt someone along the way. I pray..please forgive me.. I had a really tough time battling something and I know it’s not an excuse but I’m working on my coping skills to deal with it maturely and the right way..🙏 blessed day. #anxietyattacks”.

Ang IG posting bang ito ni JM ay pamamaraan niya na kailangan niya na namang siya ay saklolohan sa kung ano man ang bumabagabag sa kanya? Ito ba ay isang daing para siya ay tulungan? Isang pakiusap para maawa sa kanya ang kung sinoman? Isang panalangin para sa paglaya sa kung ano man ang kanyang kinasasadlakan?

Kung may pag-atake ng pagkabalisa ang actor, ano ba ang dapat na ibigay na tulong sa kanya? Isang sinserong makikinig? Balikat na maiiyakan? Isang mahigpit na yakap para malaman ni De Guzman na hindi siya nag-iisa at para kanyang matiyak na kung ano man ang nagmamarkulyong emosyon na meron siya, lilipas rin ito?

Si JM ay nakaligtas sa maraming mga laban sa buhay. Sa pagkakataong ito, naway ang kaliwanagan ng pag-iisip at katiwasayan ng kanyang kalooban, muli niyang maramdaman lalo na nga’t isinumbong na niya sa langit ang kanyang dinadala.

Jiro kalunos-lunos ang kapalaran

Sa kinasasadlakan ni Jiro Manio sa kasalukuyan, sino nga ba ang dapat sisihin? Ano nga ba talaga ang sitwasyon niya sa buhay at umabot sa ganito?

Nakakahambal at nakalulungkot na masilayan ang kanyang larawan at ang kuwento kung bakit siya ay may kasong frustrated homicide?

Ang mga dating kumalinga at tumutulong sa kanya, bubuksan pa kaya ang kanilang mga puso para tulungan si Manio?

Si Ms. Ai Ai delas Alas na minsan ay tinulungan siya, ano kaya ang damdamin at saloobin ngayong may pagsubok na namang hinaharap si Jiro? Ang mga naging kasamahan niya dati sa mga pelikula, magiging bukas palad rin kaya sila na tulungan ito, kamustahin, o dalawin man lang?

Cautionary tale ang nangyayari kay Jiro Manio. Ang kanyang mga choice sa buhay ang siyang dahilan kaya lalo siyang lumulubog sa kamunoy na siya rin mismo ang may likha. Siya rin talaga ang may pinal na desisyon kung may pagnanasa siyang magbagong buhay at landas na tama ang kanyang pipiliin.

Sana, may mahusay na abogado si Jiro para gabayan siya sa kasong hinaharap. Naway may psychological counselling rin siya at may continuous medication para mas maging malinaw sa kanya ang legal at personal options na mayroon siya.

Starlet legal na kabit

Sa isang umpukan, ang mga hombreng kasama, hindi maitanggi ang kanilang pagnanasa at libog na nararamdaman para sa isang starlet.

Eh kasi naman, super sexy talaga ito. Ang boobs, maganda ang hubog kahit parang salamat po doctor ang dahilan kaya ito bilugan, tayong-tayo at kalamas-lamas.

Ang isang hombre nga, ang pag-amin tuwing pinapanood niya ang mga paandar nito sa kanyang social media, talagang hindi ang satsat nito ang kanyang kinalulugdan, kundi ang susong dalaga nito. Nanigas daw ang mga dapat tumigas sa kanya tuwing pinagmamasdan niya ang perky breasts nito.

‘Yung isa pang hombreng bumabangka sa kuwentuhan, hinayang na hinayang. Dapat pala may pagsasamahan silang proyekto, isang pelikulang pampainit at pampabuhay ng dugo.

Kaso, sa mismong araw kung kailan dapat magaganap na ang shooting, dumating sa set ang isang actor-politiko para kausapin ang producer at director nito. Pinatigil ang shooting.

Ang dahilan? Si actor politician at si starlet pala ay may isang relasyon na it’s complicated. May asawa na kasi ang lalaking nagpahinto sa shooting, legal na kabit pala ang starlet.

Ang nangyari sa pelikula, shelved! Ang hombre, napailing na lang sa panghihinayang habang nagkukuwento.

Naidagdag pa sa huntahan sa umpukan, na itong si legal na kabit, ang legal na asawa ni actor politiko, sinugod na pala ito at talagang taob ang mga eksenang pampelikula kung saan ang legal wife eh ang drama eh hell hath no fury like a woman scorned.

Ayun, walang nagawa si legal wife. Ang actor politiko at legal na kabit, tuloy pa rin ang pagpapakasasa sa kanilang makamundo at masalimuot na relasyon.

Magiging major, major stariray pa kaya si starlet na legal na kabit? Baka naman ‘pag may pangmalakasang sexy project na naman siya, uminit na naman ang ulo ni actor politiko, huh! Sayang naman ang alindog at kariktan niya, at acting talent, kung meron man.